KULITIN MO S’YA!… Reflection for August 14, 2005
Asar ako sa mga taong makukulit! Kahit sino naman siguro e maasiwa…maaburido… maaasar! Para kasi silang KSP (Kulang Sa Pansin) at TH (Trying Hard). Parang ganito rin siguro ang naramdaman ni Jesus sa babaeng Cananea. Makulit! Nakakaasiwa! Nakakaasar! Pero ang pangungulit na ito ay nagbunga! Pinagbigyan ni Jesus ang kanyang kahilingan. Hindi sapagkat makulit s’ya… ngunit sapagkat nakita ni Jesus sa kanya ang tunay na pananampalataya… "Walang matigas na pandesal sa mainit na kape!" Ang init ng pananampalataya ng babaeng iyon ang naghatid ng katuparan ng kanyang kahilingan… Sana ganito rin tayo, malakas ang pagtitiwala sa Kanya kahit na mukhang hindi nasusunod ang ating gusto. "Not my will but your will be done, Oh Lord!" We need to ask in faith with much perseverance but also with total surrender to God’s will! Man proposes… God disposes! "Lord, bahala ka na sa akin… pero kahit mumong nalalaglag sa mesa ay huwag mo sanang ipagkait sa akin… Amen!"