PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for September, 2005


MAGPAKATOTOO KA!…Reflection for Sept 25, 2005

"Puro salita… tamang nang satsat… gawin mo na!" Minsang napagalitan ako ng aking leader sa aming grupo noong ako ay high school pa lamang.  Totoo nga naman!  Kung minsan mas marami tayong nagagawa kung babawasan natin ang salita!  Siguro kaya ginawa ng Diyos na may isang bibig at dalawang kamay tayo upang mas lalo tayong gumawa kaysa magsalita! Isipin mo na lang ang mangyayari kung dalawa ang bibig natin!  Ay naku! Wala tayong matatapos.  Sa Ebanghelyo ngayon,  yung anak na nagsabi ng "Ayoko!" ngunit pumunta pa rin sa ubasan ang mas naging kalugod-lugod kaysa sa isang nagsabi ng "opo" ngunit di naman pumunta.  Simple lang ang gustong sabihin ng Panginoon sa atin dito… gawin mo ang sinabi mo!  Magpakatatotoo ka!!! Marami kasi sa atin ay walang isang salita.  Mangangakong magpapakabuti ngunit hanggang promise lang.  Nangangakong magbabago ngunit bumabalik sa dating pag-uugali. Aray ku! Tinamaan ako dun! hehehe.  Totoo naman di ba?  Mabuti na lang mapagpasensiya ang Diyos sa atin.  Pero sana wag mong abusuhin ang kanyang kabutihan… MAGPAKATOTOO KA!

MAMATAY KA SA INGGIT!… Reflection for Sept. 18, 2005

Hindi ka ba naiinggit na ang ibang tao ay mas guwapo o mas maganda sa ‘yo?  Mas mayaman? Mas talented? Mas maraming kaibigan? Natural ang mainggit dahil kabahagi ito ng pakiramdam ng isang tao ngunit hindi ibig sabihin na tama ito.  Ang inggit ay parang anay na kapag pinabayaan natin ay siguradong kakainin ang ating pagkatao at masisira at guguho ang ating pangarap sa buhay.  Sa Gospel ngayon, inggit ang namayani sa puso ng mga manggagawa.  Marahil masipag sila… nagtrabaho ng buong araw… pinawisan, napagod! Kaw nga naman ang tumayo sa kanilang kinalalagyan tingnan ko lang kung di ka mainggit sa mga kasama nilang nagtrabaho lang ng ilang oras.  Pero hindi yun ang isyu… anong sabi ng may ari ng ubasan? "MAMATAY KAYO SA INGGIT!"  "Anong magagawa n’yo kung lubos akong mabait at gusto ko silang bigyan ng parehong sahod ng sa inyo?"  Oo nga naman… lubos na mabait ang ating Diyos. Ba’t ka maiinggit kung mas matangos ang ilong ng katabi mo, o kaya.. mas maputi s’ya sa yo, mas malakas ang kanyang sex appeal, mas matalino, mas gifted! "Mamatay ka sa inggit!" yan din siguro ang gustong sabihin ng Diyos.  Magpasalamat ka nga at meron kang ilong na pango, maitim na balat, tagyawating mukha, etc…etc. Hindi mahalaga kung parang "tinipid" tayo ng Diyos ng ginawa niya tayo.   Ang mahalaga, ginagamit natin ang  kaunting ibinigay at pinalalago ito… Gwapo ka nga, ang pangit naman ng ugali mo.  Matalino ka nga, tamad ka namang mag-aral.  Mabuti pa ang isang tabong puno ng tubig kasya isang timbang walang laman… get’s mo?  Kaya wag mainggit!  Magpasalamat ka sa Kanya!

BATUHIN MO NG CELLPHONE! Reflection for September 11, 2005

"Kapag binato ka ng bato… batuhin mo ng tinapay!"  Luma na yon! Mas maganda, "kapag binato ka ng bato… batuhin mo ng cellphone!" Yung 5110 para mas mabigat! hehehe…  The Gospel for this Sunday may seem unrealistic!  Tell this to the victims of the Sept 11 terroristic attack… (By the way, its their anniversary last sunday).  Tell the word "forgive" to the victims of senseless deaths and henious crimes and you can read their lips saying… sira ka ba???  The adage "To err is human… to forgive is divine!" is perhaps true.  The Gospel o affirms that in the person of that King who wrought off the debt of his official who owes him so much.  God is that "King"! Magnanimous in mercy.  But did you ever thought that his forgiveness expects something in return from that official.  May kapalit yun no?  At ang kapalit ay… magpatawad ka rin!  "to forgive is divine" but God is expecting us to forgive just as he had forgiven us! Woe to us if we cannot accept this teaching. If a God can forgive us… how much more we.. His useless creatures? Do we pretend to be greater than Him?