MAGKAMUKHA TAYO!… Reflection for Nov 20, 2005
Ano ang pakiramdam mo kapag sinabi kong magkamukha tayo? Siguro
mapapasigaw ka at sasabihin mung: "yukkkk! Father, gorry!!!" hehehe…
E kung sabihin kong kamukha natin ang Diyos? Siguro ang sasabihin mo
ay…. YES! Teka, simple logic lang… kung kamukha ko si Kristo at kamukha mo
rin, e di magkamukha tayo! hehehe… pumayag ka na dahil yan ang
totoo… kamukha natin ang Diyos dahil nilikha tayo ayon sa kanyang
larawan! Kaya nga’t taglay natin ang imahe ng Diyos sa ating pagkatao.
Kaya nga’t nasabi ni Hesus sa ebanghelyo… "Whatever you did to the least of my brothers/sisters, you did it to me."
Ibig sabihin ni Hesus dapat ay makita natin siya sa lahat ng tao…
lalo na sa pinakamababa… sa mga nangangailangan… sa mga mahihirap!
Ito ang gagamiting panukat ni Hesus sa atin kung tayo ba ay
karapat-dapat pumasok sa kanyang kaharian. Tanungin mo ang iyong
sarili: "Ano na bang kabutihan ang nagawa ko para sa aking kapwa?" "May natulungan na ba akong taong nangagailangan?" Tandaan mo… nasa kanya rin si Kristo!