SERVANT-LEADER… Reflection for Oct 30, 2005
“Leadership is action… not
position!”
Ito ang nakita ko sa isang
karatula sa isang paaralan. Totoo nga
naman, para saan pa ang pamumuno kung wala namang pagkilos? Ngunit
anong uring pagkilos? Dito nagkakamali ang maraming pinuno. Nakakalula
ang nasa itaas! Nag-iiba ang pananaw mo sa ibaba. Parang ikaw ang
nagmamay-ari ng lahat. Parang ikaw ang tinitingala. Parang ikaw ang
sikat… ikaw ang masusunod!
Mali ang ganitong pag-iisip sabi ni
Kristo sa Ebanghelyo ngayon: “The greatest among you
must be your servants!” Wow! Bago yun ah! Madaling sabihin, mahirap gawin! Kaya mo bang magpakababa sa iyong katulong?
Sa iyong trabahador? Sa iyong mga
anak? Sa iyong kapwa kamag-aral? Sa iyong mas nakababatang kapatid? Ang hirap
nun ‘tol! Pero ito ang halimbawang
ibinigay ni Jesus. Siya ang natatanging “servant leader!” Ayaw niyang tawaging ama at guro ang mga taong
di karapat-dapat sa ganitong titulo… kapag hindi sila marunong maglingkod! Wala kang karapatang maging pinuno ng klase
kung di ka naglilingkod sa mga kamag-aral mo. Di ka maaring tawaging boss kung
di ka naglilingkod sa mga nasasakupan mo. Di ka maaring tawaging “papa” o “mama” kung di ka naglilingkod sa mga
anak mo… Gusto mo pang maging leader? Dapat matutuo ka munang maglingkod. Be a servant muna then you will become a
leader!