WISE KA BA?… Reflection for Nov 6, 2005
Sino ba ang taong wise? Yun bang matalino? Mataas ang
IQ? Laking promil? Maraming alam? Sa Bibliya kapag sinabing “wise” ay
hindi
agad ibig sabihin na henyo! Ang wise na
mga tao sa Bibliya ay kakikitaan ng tatlong katangian: Una, alam niya ang
mga bagay na tunay na mahalaga para sa kanya at buong pagpupursiging pinipili
niya ito.
Ibig sabihin alam niya ang
kanyang “priorities” sa buhay. Mahalaga ba ang Diyos para sa iyo? O
baka naman, mas inuuna mo pa ang gusto mo kaysa gusto "Niya"?
Nagsimba ka ba ngayong Linggo? Pangalawa, marunong siyang matuto sa mga nakaraang karanasan. Hindi niya uulitin ang isang bagay na alam na
n’yang mali. Marami sa atin ang di na natuto! Mali na nga, ipagpipilitan pa!
Uulitin pa… masamang pag-uugali, masamang barkada, bisyo, etc… Pangatlo, May “foresight”, not
“poorsight”. Ibig sabihin, marunong
magplano sa buhay. Katulad ng mga “wise
virgins” sa “gospel”, may dalang extrang langis… laging handa! Tingnan mo ang sarili mo… masasabi mo bang
“wise” kang Kristiyano?