ISIP BATA! : Reflection for the Feast of Sto. Nino - Jan 15, 2006
Isa sa mga debosyong napamahal sa akin ang Sto. Nino. Sa katunayan, hanggang ngayon ay memorized ko pa ang kanta ni Sharon Cuneta na alay sa batang sanggol: "Santo Nino, Santo Nino, natupad na rin ang aking hinihiling sa ‘yo…" kung di mo masabayan e tanungin mo ang nanay mo at baka alam niya! hehehe… Kung ating titingnan ay talaga namang napakapopular nating makikita ito sa ating pang-araw-araw na buhay bilang Pilipino. Karaniwan ng makikita ang imahe ng Sto. Nino sa mga jeep katabi ang sticker na "God knows HUDAS not pay!". Karaniwan siyang makikita sa tindahan na nakadamit na berde o pula at may katabing "pusa na gumagalaw ang kamay". Karaniwang siyang makikita sa tahanan na katabi ang isang sexy poster ng Tanduay!hehehe… nakakatuwa! Parang tayong mga bata… ISIP BATA sa ating pananampalataya. Siguro dapat nating isipin na si Jesus ay hindi nanatiling bata. Siya ay lumaki. Gayun din dapat sa ating pananampalataya… dapat lumago… dapat lumalim. Hindi doble-kara, hindi balimbing, hindi malamig, hindi teka-teka kundi isang pananampalatayang tunay na nakaugat kay Kristo at sa Kanyang Salita. Isip bata ka pa ba sa pananampalataya mo?