SALESIANO AKO! : Reflection for the Feast of St. Francis of Sales, Jan 24, 2006
"Father bakit ang mga followers ni St. Francis ang tawag FRANCISCANO, ang mga kay St. Dominic naman DOMINICANO… Bakit kayo… SALESIANO at hindi BOSCONIANO?" tanong sa kin ng isang parokyano. "Oo nga ano?" napag-isip niya ako. Simple lang ang dahilan, buhay pa si Don Bosco ng itatag niya ang kanyang kongregasyon ng mga pari at brothers. Puedeng ba yung buhay ka pa may estatwa ka na? Kayabangan yun! hehehe… Pero di naman namin puedeng hindi banggitin ang pangalan ng aming founder. Kaya nga ang aming titulo… SDB. Salesians of Don Bosco… o mga SALESIANO NI DON BOSCO! Bilib kasi si Don Bosco sa pagkatao ni San Fransisco de Sales. Nakita niya sa kanya ang mga katangiang kinakailangan ng kanyang mga anak… kababaang-loob, kabutihan (kindness), pagtitimpi, kasipagan (zealous)… Kaya kinuha niya si San Francisco de Sales upang maging patron ng kanyang itinayong kongregasyon. Ipagdasal n’yo kami na maging mabubuting salesiano, tapat sa diwa ni San Francisco at ni Don Bosco. Sa kabila ng aming kahinaan, mga pagkukulang, pagkakamali masabi pa rin naming… SALESIANO AKO!