KAPUSO! Reflection for Valentines Day, February 14, 2006
Araw ngayon ng mga puso… naksasuot ako ng damit na pula. Ginawa ko rin ito nung araw ng Pasko. "Father… ang corny no ha?" Pabirong sabi sa akin ng ilan. Sabi ko naman… "Di bale ng corny at least naremind kita na special ang araw na ito…" Pareho lang naman ang sinasabi ng "Pasko" at "Araw ng mga Puso"… na may Diyos na nagdesisyong maging KAPUSO natin! (Sorry na lang sa mga "KAPAMILYA" dyan! hehehe) May Valentines Day kasi sa simula’t simula pa ay may Diyos na nagmahal sa atin ang lubos at ang Kanyang pagmamahal ay "forever"… FOR LIFE! Ang ginagawa nating pagpapalitan ng valentines card, chocolates and roses, hugs and kisses ay mga paraan lamang upang maipadama natin ang ating pagmamahal sa ibang tao kung paanong minahal tayo ng Diyos. Kaya nga’t isipin mo sa araw na ito na kapag nagbitaw ka ng katagang "I love you"… na may isang Diyos na nagmahal ng lubos sa iyo… na may isang Diyos na naging KAPUSO MO!