PADRE E MAESTRO: Reflection for the Feast of St. John Bosco: Jan. 29 (SDB Parishes) & Jan. 31 )
Grade 6 lamang ako nang una akong makarating sa Don Bosco Youth Center Tondo. Agad akong na "at home" sa lugar sapagkat punong-puno ito ng kabataan. Kung sabagay hindi naman ito nakapagtataka sa Tundo na tinagurinag "pabrika ng mga bata"! hehe… Mas lalo akong na "at home" ng lapitan ako ng isang brother at tinanong kung ibig kong sumali sa KOA (Knights of the Altar). Aanga-anga pa ako noon kaya umoo agad ako… Paglipas ng ilang mga buwan, naging pangalawang tahanan ko na ang Don Bosco Youth Center Tondo. Sa katunayan, itinataboy na ako ng nanay ko sa bahay at gustong ilipat na ang kama ko sa Don Bosco… hehehe… Ganyan naging kalakas ang "impact" sa kin ng Don Bosco. Wala akong kamalay-malay na balang araw, isa rin pala ako sa mga susunod sa kanya! Lalong napamahal sa akin si Don Bosco ng mapag-alaman ko ang buhay niya. Ang kanyang buhay ay parang kandila na unti-unting naagnas sa pagbibigay ng liwanag sa mga kabataang kanyang inaruga at tinuring bilang mga tunay anak. Kaya nga ang titulong ibinigay sa kanya ay "Padre e Maesto"… "Father and Teacher"… Guro at Ama! "Don Bosco… turuan mo akong maging katulad mo. Sa kabila ng aking kahinaan at kakulangan nawa ako’y maging karapat-dapat at tapat mo akong anak…"