Repent and Believe in the Gospel! : Reflection for Ash Wednesday - March 1, 2006
Miyerkules na naman ng Abo! Madudumihan na naman ang ating noo at mababawasan na naman ang ating kakainin! Ang araw na ito ang simula ng panahon na tinatawag nating Kuwaresma o ang apatnapung araw ng paghahanda natin sa pagdirwang ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus. Minsang may nagsabi sa akiN : "Father, di ko na kailangang magfasting ngayong lent! Matagal ko ng ginagawa yan… nagdidieting naman ako!" "Ineng," ang sabi ko, "ang dieting ay para maging kahali-halina ang figure mo, ang fasting… para maging kaaya-aya ang kaluluwa mo." Ito dapat ang iniisip natin tuwing papasok ang kuwaresma: "Paano ko mapapabanal ang aking sarili?" Bale wala ang pag-aayuno, di pagkain ng karne o abstinensya, kahit ang mismong paglalagay ng abo sa noo kung di naman bukal sa ating sarili ang pagnanais na magbago. Pansinin ang ebandhelyo ngayon: Balewala ang paggawa ng mabuti at pagdarasal kung pakitang-tao lamang! Isapuso natin ang tunay na pagbabago! Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ng pari kapag nagpalagay ka ng abo… "Magsisi ka sa iyong mga kasalanan at sumampalataya sa Ebanghelyo!"