PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for March, 2006


WAG MANGAMBA… LOVES KA NIYA! : Reflection for the 4th Sunday of Lent Year B - March 26, 2006

"Bakit ba siya ang gusto mong pakasalan?  Tingnan mo naman ang mukha niyang kasintahan mo… di kayo bagay! Ang mata niya kasing laki ng buko… ang ilong niya parang kamatis… ang buhok niya HIV (Hair Is Vanishing)! Sigurado ka ba?"  tanong nila sa babaing ikakasal.  "Oo naman… kasi I fell inlove with him!" "Fell in love?  Nafell inlove ka sa mukhang yan?"  "Yes, i fell in love… not with his face but with his heart!" Totoo nga naman ang kasabihang "love is blind".  Sa isang taong nagmamahal, di mahalaga ang mukha o itsura… walang pinagkaiba sa kanila ang gwapo at pangit! (Kaya wag kayong mawalang ng pag-asa!) Ganito rin marahil ang Diyos nang mahalin Niya ang tao.  Di niya tiningnan ang ating pagkamakasalanan.  Sa halip ay pinatunayan Niya ang Kanyang pagmamahal na kahit na hindi tayo karapat-dapat ay inialay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang makamit natin ang kaligtasan. Totoo na makatarungan Siya… ngunit Siya rin ay maawain… mapagmahal!  Bago mo pa siya mahalin ay minahal ka na Niya.  Ang panahon ng Kuwaresma ay magandang pagkakataon upang pagnilayan ang pagmamahal ng Diyos ng sagayon ay makita natin ang ating pagiging makasalanan! Mas madaling makita ang itim kung itatapat sa puti.  Mas madaling makita ang ating pagiging makasalanan kung itatapat natin sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos.  Doon mo lang makikita kung gaano pa kalaki ang iyong pagkukulang upang suklian ang Kanyang pagmamahal.  Wag kang mangamba… LOVES KA NIYA!

PALAYASIN ANG MASAMANG ESPIRITU! : Reflection for 3rd Sunday of Lent, Year B - March 19, 2006

Minsan ako’y naanyayahang mag house blessing ng tita ko sa Bulacan.  Pagkatapos ng blessing ay may lumapit sa aking isang ale: "Father, pakidamay n’yo naman ang bahay namin." "Bakit naman nagmamadali ka?" tanong ko sa babae. "Kasi Father nakakaramdam kami ng masamang espiritu sa aming bahay."  Sunod naman ako kahit takot ako sa multo.  Napansin kong may tatlong magaganda at balingkinitang mga babae sa bahay. Pagkatapos ng blessing ay sinabi ko sa may-ari: "Ang gaganda naman ng mga anak ninyo…" Sabay hagikhik ng mga dalaga. "Father, di po namin nanay yan!" "E bakit mama tawag n’yo?" tanong ko.  "E Father…" nakayukong sagot nila, "Mamasan po namin s’ya!"  Muntik ko nang maihagis ang dala kong holy water! Bahay pala ng mga kalapating mababa ang lipad ang binasbasan ko.Kaya naman pala may mga evil spirits sa bahay! Kung minsan masyado nating nabibigyang pansin ang mga "evil spirits" sa ating paligid ngunit nakakaligtaan nating itaboy ang "evil spirits" sa ating mga puso!  Mas mahirap ngang kalaban ito kasi hindi mo nakikita at namamalayan.  Naging templo tayo ng Espiritu Santo nung tayo ay nabinyagan kung kaya’t may tungkulin tayong linisin natin ang templong ito sa anumang uri ng kasamaan.  Ang kasalanan tulad ng pagmamataas, pagkainggit, katakawan, katamaran, karumihan… ay mga evil spirits na sumisira sa templo ng Diyos. Ipagtabuyan natin ito habang may panahon pa.  Ang panawagan ng kuwaresma ay "kabanalan" ngunit ito ay imposibleng mangyari kung hinahayaan natin ang kasalanang maghari sa ating buhay.  Sabihin natin tulad ni Hesus: "Lumayas kayo dito… huwag n’yong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!"

Sarap sa Kahirapan… Reflection for 2nd Sunday of Lent, Year B: March 12, 2006

Sorry for this late reflection… i was terribly sick for four days since Sunday…  ang hirap talaga ng maysakit at nakahiga ka lang na walang magawa. Gusto mo nang tumayo at lumabas ng kwarto!  Ibang-iba sa reaction ni Peter "Lord, mabuting dito na tayo! Magtayo tayo ng tent… masarap ang feeling dito…!" Ganun naman talaga tayong mga tao… we resist suffering! Ayaw nating nahihirapan tayo.  Kaunting "inconvenience" sa buhay madali tayong umangal. Kapag pumalpak, madaling masiraan ng loob! Noong maysakit ako… gusto ko nang gumaling agad! Ayaw kasi natin ng hirap… ng sakit! Gusto natin… laging masarap ang pakiramdam!  Pero… ito ba talaga ang buhay natin? Sa aking palagay hindi magiging tao ang Diyos kung ang buhay ng tao ay kasarapan lang. Kaya nga siya naging tao kasi nais niyang maranasan ang kahirapan ng buhay natin! Ang sarap na ng buhay niya bilang Diyos… pero pinili pa rin niyang maging tao kasi alam niya ang buhay natin… puno ng hirap!  Hindi alam ni Pedro ang sinasabi niya… ngunit mauunawan nya rin… pag siya na rin ang nakapako sa krus… I’m still suffering from my sicknes; I’m not yet completely recupirated… but I thank the Lord for letting me ebrace this suffering… kahit four days lang!

O Tukso… Layuan Mo Ako! : Reflection for 1st Sunday of Lent, Year B - March 6, 2006

"Father, bless me for I have sinned… I always have bad and lustful thoughts in my mind." Sabi ng isang nagkukumpisal.  Sagot ng pari: "My son, its but normal for you to be tempted as long as you are doing your best to avoid them.  Do you entertain this bad thoughts? Sagot ng lalaki: "No Father! I don’t entertained them… rather they entertained me!"   Ang hirap nga naman pag nasa harap mo na ang tukso. Di mo na matanggihan… magpaparaya ka na lang… magpapaentertained!  Lenten season is a call for us to be HOLY, and the start of the path to holiness is getting rid of sin that enslaves us to perdition.  And the best way to get rid of sin is to avoid TEMPTATION.  Lahat tayo ay nilalapitan ng tukso. Kahit si Jesus na Anak na ng Diyos ay hindi exempted! Yun lang nga, si Jesus ay di nagpatalo sa tukso at hindi kailanman tinalo ng tukso.  Paano natin din ito magagawa? The Church gives us three practical means: First is to deepen our prayer life. Panalangin pa rin ang pinakaepektibong paraan para umiwas sa tukso. Second is through penance, fasting and abstinence and other sacrifices. "The spirit is willing but the body is weak…" Penance helps us to strengthen our will and discipline our body.  Last is, works of charily.  Kapag gumawa ka ng kabutihan mas makararanas ka ng kaligayahan at di ka na maghahanap pa nito sa kasalanan.  We always pray to God "not to bring us t o the test" but this is impossible without exerting an effort to pray, make penance and do good works…" We cannot just say… " O tukso, layuan mo ako!"  Tayo dapat ang  lumayo sa tukso at lumaban dito.  Have a holy lenten season…