Sarap sa Kahirapan… Reflection for 2nd Sunday of Lent, Year B: March 12, 2006
Sorry for this late reflection… i was terribly sick for four days since Sunday… ang hirap talaga ng maysakit at nakahiga ka lang na walang magawa. Gusto mo nang tumayo at lumabas ng kwarto! Ibang-iba sa reaction ni Peter "Lord, mabuting dito na tayo! Magtayo tayo ng tent… masarap ang feeling dito…!" Ganun naman talaga tayong mga tao… we resist suffering! Ayaw nating nahihirapan tayo. Kaunting "inconvenience" sa buhay madali tayong umangal. Kapag pumalpak, madaling masiraan ng loob! Noong maysakit ako… gusto ko nang gumaling agad! Ayaw kasi natin ng hirap… ng sakit! Gusto natin… laging masarap ang pakiramdam! Pero… ito ba talaga ang buhay natin? Sa aking palagay hindi magiging tao ang Diyos kung ang buhay ng tao ay kasarapan lang. Kaya nga siya naging tao kasi nais niyang maranasan ang kahirapan ng buhay natin! Ang sarap na ng buhay niya bilang Diyos… pero pinili pa rin niyang maging tao kasi alam niya ang buhay natin… puno ng hirap! Hindi alam ni Pedro ang sinasabi niya… ngunit mauunawan nya rin… pag siya na rin ang nakapako sa krus… I’m still suffering from my sicknes; I’m not yet completely recupirated… but I thank the Lord for letting me ebrace this suffering… kahit four days lang!