WAG MANGAMBA… LOVES KA NIYA! : Reflection for the 4th Sunday of Lent Year B - March 26, 2006
"Bakit ba siya ang gusto mong pakasalan? Tingnan mo naman ang mukha niyang kasintahan mo… di kayo bagay! Ang mata niya kasing laki ng buko… ang ilong niya parang kamatis… ang buhok niya HIV (Hair Is Vanishing)! Sigurado ka ba?" tanong nila sa babaing ikakasal. "Oo naman… kasi I fell inlove with him!" "Fell in love? Nafell inlove ka sa mukhang yan?" "Yes, i fell in love… not with his face but with his heart!" Totoo nga naman ang kasabihang "love is blind". Sa isang taong nagmamahal, di mahalaga ang mukha o itsura… walang pinagkaiba sa kanila ang gwapo at pangit! (Kaya wag kayong mawalang ng pag-asa!) Ganito rin marahil ang Diyos nang mahalin Niya ang tao. Di niya tiningnan ang ating pagkamakasalanan. Sa halip ay pinatunayan Niya ang Kanyang pagmamahal na kahit na hindi tayo karapat-dapat ay inialay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang makamit natin ang kaligtasan. Totoo na makatarungan Siya… ngunit Siya rin ay maawain… mapagmahal! Bago mo pa siya mahalin ay minahal ka na Niya. Ang panahon ng Kuwaresma ay magandang pagkakataon upang pagnilayan ang pagmamahal ng Diyos ng sagayon ay makita natin ang ating pagiging makasalanan! Mas madaling makita ang itim kung itatapat sa puti. Mas madaling makita ang ating pagiging makasalanan kung itatapat natin sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos. Doon mo lang makikita kung gaano pa kalaki ang iyong pagkukulang upang suklian ang Kanyang pagmamahal. Wag kang mangamba… LOVES KA NIYA!