AKO ANG BAHALA! : Reflection for Holy Thursday 1 - April 13, 2006
Huwebes Santo na naman! Gigising na naman ako ng 4:00 ng madaling araw. Magmamadali para maabutan ang pasimula ng Misa sa Cathedral! San Pablo pa kasi ang misa at mangagaling pa kami sa Sta. Rosa… 2 oras na biyahe… nakakaantok… ang sarap pang matulog! Ngunit kailangan kong tumayo at magsipilyo na (at siyempre maligo!) Espesyal kasi ang araw na ito para sa aming mga pari… araw namin ito… araw na kung saan ay muli naming papanibaguhin ang aming pangakong paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Sa araw na ito ay kokonsekrahan ang langis na ginagamit sa binyag at ibinibigay sa maysakit. Kung paanong kaming mga pari naman ay sinasariwa rin ang consecration na ginawa ng Diyos sa amin. Pagkatapos ng halos sampung taong pagkapari ay mas lalo ko pang nararanasan ang aking hindi pagigiging karapat-dapat. Napakaraming pagkakamali. Napakaraming pagkukunwari. Napakaraming pagwawalang-bahala sa kanyang walang-hanggang pag-ibig! Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang Kanyang pagtitiwala sa akin… "Lord… hanggang kailan kita masasamahan?" Sinagot Niya ako… "Hindi mo problema yan… ang dapat mo lang gawin ay sumunod at magtiwala… AKO NA ANG BAHALA!"