SIMPLE LANG… Reflection for Holy Thursday 2, Washing of the Feet - April 13, 2006
Bata pa lang ako ay tinuruan na akong maghugas ng kamay ng aking magulang bago kumain. Tinuruan akong sabunin ang aking mga kamay, sa palad, sa pagitan ng mga daliri, paikut-ikutin pa… (parang commercial ng safeguard eh! hehehe) Pero di ata ako tinuruan na maghugas ng paa bago kumain! Parang weird yun! hehe… Bago ganapin ni Hesus ang "huling hapunan" ay iniutos ito ni Hesus sa kanyang mga alagad! Ang mas weirdo… si Hesus mismo ang naghugas sa paa ng kanyang mga alagad. Haller…! Si Hesus ang bigboss nila no? Bakit siya ang naghugas? May nais paratingin sa atin ang Panginoon… nais mong maging leader?… matuto kang maglingkod! Nais mong maging dakila?… Matuto kang magpakumbaba! Napakaganda na ibinigay ito ni Hesus sa kontexto ng Eukaristiya… Ano ba ang Eukaristiya…? Simple lang, tinapay na walang halaga na inialay, binasbasan, pinaghati-hati at ibinigay sa mga alagad… Ngunit tinapay din na naging katawan ni Kristo, pagkain ng ating kaluluwa, at dahilan ng ating kaligtasan!