PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for May, 2006


AAKYAT KA RIN BA? : Reflection for Ascension Sunday - May 28, 2006

AscSinubaybayan natin ang makasyasayang pag-akyat ng ilang Filipinong mountaineers sa pinakamataas na taluktok sa buong bundo… ang Mt. Everest!  Humanga tayo sa kanilang galing, katapangan at pagtitiyaga!  Ginugunita rin natin ngayong araw na ito ang isang pag-akyat… hindi sa isang bundok kundi sa ating patutunguhan kapag tayo ay nasa kabilang buhay na… ang kalangitan!  Ano nga ba langit?  Saan nga ba ito makikita? Sa aking palagay ay hindi mahalaga ang tanong na "ano" at "saan".  Bagkus mas dapat nating bigyang pansin ang tanong na "paano?"  Paano ba natin "maakyat" ang kalangitan.  Ang kapistahang pinagdiriwang natin ay may kasagutan:  Una, dapat nating paniwalaan at ipahayag na si Jesus ay ang ating Panginoon na niluwalhati ng Ama. Ang kanyang pag-akyat sa langit ay ang ating katibayan.  Ikalawa, ang kanyang narating ay dapat din nating hangarin dito sa lupa. Kung saan siya naroroon dun din tayo paroroon.  Ikatlo,  itinalaga niya tayo sa isang misyon… na ipahayag ang kanyang mabuting balita!  Hindi na natin kinakailangan pang umakyat ng Mt. Everest upang makamit ang ligaya… si Jesus lang… SAPAT NA!  Aakyat ka rin ba?    

TULONG NG MGA KRISTIYANO: Feast of Mary Help of Christians - May 24, 2006

M2016 Mayroong isang kuwento na minsan daw sa langit ay naglalakad ang Panginoong Hesus at nakakita siya ng mga di kilalang kaluluwa na gumagala sa Kanyang kaharian.  Agad niyang tinawag si San Pedro upang tanungin kung sino ang mga bagong "migrants" na iyon.  Walang masabi si San Pedro kaya’t katakot-takot na sermon ang inabot niya sa Panginoon.  "HIndi ba sabi ko na sa iyong isarado mong mabuti ang pinto upang walang makakapasok dito na hindi natin nalalaman?" Sabi ni Hesus.  Tugon ni San Pedro:  "Sinasarado ko naman po… kaya lang ang nanay ninyo binubuksan naman ang bintana at doon ipinupuslit ang mga migranteng ito!" hehehe… Marahil isang kuwento lamang ngunit kapupulutan natin ng aral tungkol sa ating Mahal na Birhen. Tunay ngang siya ay "tulong ng mga Kristiyano" o "Help of Christians".  Ang kasaysayan ang ating patunay na si Maria ay laging tumutugon sa pangangailanan ng Simbahan.  October 7, 1571 ng magapi ng mga mandirigmang Kristiyano ang mga turko sa malamilagrong "Battle of Lepanto.  May 24, 1814 ng nakalaya si Pope Pius VII sa pagkakabihag ni Napoleon at nawala ang pagtatangkang sirain ang Simbahan.  Noong panahon ni Don Bosco (1815-1888) ay talamak at hayagan ang pagbatikos sa Simbahan ng mga "Anti-clericals". Lahat ng pagsubok na yan ay nalagpasan ng Simbahan sa pamamagitan ng pamimintuho at debosyon sa kanya.  Kaya nga’t hindi nagdalawang isip si Don Bosco upang kunin siyang patron ng kanyang gawain. Hanggang ngayon ay patuloy ang paggawa ni Maria ng himala at namamagitan siya sa pangangailangan ng Simbahan.  Marami pa rin ang sumisira at tumutuligsa sa ating pananampalataya.  Hingin natin ang makapangyarihang pamamagitan (intercession) ni Maria… ang Tulong ng mga Kristiyano!

NAPANOOD MO NA BA? : Reflection for 6th Sunday of Easter Year - B, May 21, 2006

Sa wakas… ipinalabas na rin ang Da Vinci Code!  Katulad ng inaasahan, maraming mga Pilipino ang pumila upang manood at usisain kung bakit naging kontrobersyal ang pelikula!  Alam mo naman tayong mga pinoy… mas kontrobersyal, mas dapat panoorin!  May mga ilan na piniling wag na lang pansinin ang palabas.  "Father, ako’y katoliko-sarado!  Mahal ko ang Diyos kaya hindi ko panoorin ang pelikula… bibili na lang ako ng pirated dvd!"  Tama bang panoorin ang pelikula?  Nagkasala ka ba dahil napanood mo ito?  Nakasalalay ba sa isang pelikula ang ating kaligtasan? Sa aking palagay ay mas malawak at mas malalim ang sinasabi ng aking pananampalataya upang madala ng isang kathang-isip na pelikula… Na sapagkat nanood ako ay nabawasan na ang pag-ibig ko sa Diyos! Tandaan natin ang sinabi ni San Juan tungkol sa pag-ibig:  na bago pa natin mahalin ang Diyos ay minahal na Niya tayo…  Ang Diyos ang unang nagmahal sa atin. At Siya ang nagnanais na manatili tayo sa Kanyang pag-ibig at mamunga sa ating buhay Kristiyano.  Mananatili tayo sa Kanyang pag-ibig kung magmamahal tayo na tulad Niya.  Una, ito ay "sacrificing love", handang masaktan para sa iba.  Ikalawa, ito ay "all embracing love", walang pinipili… lahat ay tinatanggap. Panghuli ito ay naipapakita sa ating kilos sa pamamagitan ng paglilingkod. Kaya ba nating pagsilbihan ang ating kapwa lalong-lalo na ang mga nangangailangan?  Sa aking palagay, ito ang mas dapat nating pagtuunan ng pansin kung kumbinsido tayo na tayo nga ay minahal ng Panginoon.  Dapat nakakikitaan tayo ng "pag-ibig ni Kristo." Pumatok man sa takilya ang Da Vinci Code hindi dapat nito malagpasan ang pagmamahal natin kay Kristo.

PASTORAL LETTER On the DA VINCI CODE

A PASTORAL STATEMENT OF THE
CBCP ON THE DA VINCI CODE

With the imminent release of the movie version of the best-selling novel The Da Vinci Code by Dan Brown, many people have started inquiring again about the veracity of its claims. Some readers take the assertions made by Brown to be true, while others entertain the possibility that they might be true. Some take the novel for what it truly is - a work of fiction and nothing more. But no matter how a reader views the novel, it cannot be denied that fiction shapes the imagination, stirs emotions and forms mental associations. Brown has created the impression that his fiction is historical fact. Aware of St. Paul’s admonition that some people “will stop listening to the truth and will wander off to fables,” (2 Timothy 4:4) we, Pastors and Teachers of the faith, invite the faithful to carefully discern the truth of the Gospel.

The novel gives erroneous impressions of many things, among them some fundamental truths of the Christian faith. The most serious are the following:

  • Jesus is not a divine Person. He is only human. He married Mary Magdalene and had children.
  • The belief in the divinity of Jesus Christ was an “invention” imposed by Constantine through the Council of Nicea (325). The Church manipulated the choice of the Canonical Gospels, destroyed important documents and suppressed the memory of Mary Magdalene and her children to maintain the lie about Jesus.

Brown makes these claims through fictional accounts that give the impression of historical accuracy due to frequent reference to events. He employs the tool of unraveling the alleged secrets of the Church though the interpretation of symbols and codes hidden in works of art, notably Leonardo Da Vinci’s The Last Supper and the Mona Lisa.

In the face of the confusion the novel has generated, we invite the Catholic faithful to serenely affirm the fundamental truths of our faith, in particular the following:

  • Jesus Christ is truly God and truly human. The full truth about Jesus is not attained by mere historical reconstruction or ingenious human speculation. The truth about Jesus as the Son of God comes from a revelation of the Father, as Jesus told Peter (cf. Mt 16:17). The truth about Jesus as Lord can be confessed only in humble faith that is a gift of the Holy Spirit, as St. Paul reminds us (cf. I Cor 12:3). The truth about Jesus is revealed to mere children but hidden to the wise and the learned (cf. Matthew 11:25). Without commitment to the faith, the search for Jesus is reduced to curiosity.
  • The revelation of Jesus, received in childlike faith, is preserved and transmitted by the Church. The Church is a human and spiritual community whose fidelity to the revealed truth is guaranteed by the Holy Spirit. The witness of the believers of Christ, dating from the apostles to the saints and martyrs of our time, constitutes the most reliable “evidence” in history of the truth about Jesus. The Church does not manipulate revealed truth. It serves the truth.

What can we do as communities of faith in this situation? How do we prepare ourselves for similar situations that might arise in the future? We invite you dear brothers and sisters in Christ to do the following:

  • Let us deepen in our homes, schools, ecclesial communities and Church organizations the knowledge of Holy Scriptures and the Catholic Tradition through a systematic study of the Word of God and the teaching of the Church, a renewed Bible Apostolate and Catechesis, and a serious study of the History of the Church.
  • Let us appeal to publishers and people in media to practice their profession responsibly, with uncompromising respect for the truth, especially about persons and beliefs dear to various religions and faith communities.
  • Let us collaborate with historians, scholars of the arts, and scientists in shaping a culture with depth and integrity.
  • Let us imbue our evangelizing mission with renewed vigor, methods and expressions so that people who are earnestly seeking the truth about Jesus may encounter Him in our word, worship, prayer and humble service.

As a further help to our discernment, we are providing you with a guide on how to respond to the claims made by Dan Brown in the novel. This can be reproduced for use in the various dioceses, parishes, schools and other groups.

Let us not lose heart. The history of the Church attests to how the Gospel of Jesus Christ has withstood many trials. The Truth of Jesus Christ can never be shackled. With St. John, we proclaim, “We are declaring to you what we have seen and heard, so that you too may share our life. Our life is shared with the Father and with his Son Jesus Christ” (I Jn 1:3). May Mary, the Mother of the Son of the most High God (cf. Lk 1:32), share with us her humble faith!

DA VINCI CODE: DAPAT BANG PANIWALAAN? : Reflection for 5th Sunday of Easter: May 14, 2006

Nasa National Bookstore ako ng biglang may lumapit sa aking isang kakilala at nagtanong:  "Father, anung masasabi ninyo sa librong "Da Vinci Code? Totoo ba yun?" Hinila ko sya at dinala sa lugar ng librong tinaguriang bestseller.  "Aber, saang bahagi siya ng mga libro nakalagay?" Tanong ko sa kanya. "Fiction po!" Sagot ko… "Ayun naman pala eh… bakit nagtatanong ka pa?" Haaay naku!  Mahirap sa ating mga Pilipino, masyado tayong nilunod ng mga "telenobela" at "fantasya" kaya kung minsan ay hindi na natin malaman ang kaibahan ng kathang isip at kasaysayan.  Maraming nagsasabing ang ipapalabas na pelikulang "Da Vinci Code" ay maaaring makasira sa pananampalatayang Katoliko.  Ganun ba talaga yun?  Kung sabagay, marami kasi sa atin ang "balat-sibuyas" sa pananampalataya. Marami sa atin ang Katoliko lamang sa baptismal certificate.  Marami sa atin ang madaling madala sa kapitulo at bersikulo ng ilang sikat na mangangaral… Ang sabi ng Simbahan: dapat nating palalimin ang ating kaalaman sa pananampalataya.  Basahin, pag-aralan at unawain ang Bibliya. At higit sa lahat isabuhay ang nilalaman nito. Ito ang ibig sabihin ni Jesus ng Kanyang sabihing ang bawat Kristiyano ay dapat "mamunga ng sagana".  Dapat nating malagpasan ang mala-fantasyang pag-intindi sa ating pananampalataya.  Hindi "fiction" ang pagiging Kristiyano… ito ay "tunay" na nakatapak sa lupa.  Hindi "doktrinang sinasaulo" ngunit "katotohanang isinasabuhay".  Hindi ang Da Vinci Code ang sisira sa ating pananampalatya kundi ang iskandalong ipinapakita ng mga Kristiyanong doble-kara sa pagsasabuhay sa kanilang pinaniniwalaan. Mga kristiyanong nanglalamang sa kapwa, walang pakialam sa lipunan, naninira sa dangal ng iba, nagbibigay ng imoral na halimbawa… sila ang dapat katakutan. Ang "Da Vinci Code" ay kathang isip lamang.  Ang tunay ay ang ating pang-araw-araw na Kristiyanong Pamumuhay…  "Fiction" din ba ang pagka-Kristiyano mo?

MAY CALL WAITING KA BA? Reflection for 4th Sunday of Easter Year B - May 7, 2006

Ang ika-apat na Linggo ng Muling Pagkabuhay ay laging inilalaan ng Simbahan upang ipagdasal ang pagpapalaganap sa bokasyon ng pagpapari at pagiging relihiyoso (madre at lay brother).  Ang ebanghelyo ay parating tungkol sa Mabuting Pastol upang paalalahanan tayo ng pangangailangan ng Simbahan ng mabubuting pastol na naayon sa halimbawa ni Jesus.  Siya ang Mabuting Pastol na talagang may malasakit para sa kanyang mga tupa. Ngunit mahirap itong ipalaganap kung hindi muna natin naiintindihan ang ibig sabihin ng "bokasyon".  Ano ba ang ibig sabihin ng bokasyon?  Sagot sa aking ng isang bata:  "Father ang pinto pag hindi nakasara… bukas yon!"  hehehe… Me tama din siya.  Ang isang pintong bukas ay naghihintay… nag-aanyaya!  Ang bokasyon ay ang paghihintay ng Diyos sa kanyang paanyaya sa atin.  May "call waiting" tayo na dapat nating sagutin.  Ang unang pagtawag ng Diyos ay ang tayo ay mabuhay bilang tao (human vocation).  Sinasagot natin ito kung nabubuhay tayo ng mabuti at kapag pinagyayaman natin ang buhay na kaloob sa atin ng Diyos.  Ang ikalawang pagtawag ay ang ating pagiging Kristiyano (Christian vocation).  Sinasagot natin ito kapag tayo ay nabubuhay na katulad ni Kristo (Christ-like).  Ang resulta ay ang pinakamataas na pagtawag ng Diyos sa atin… ang pagiging banal (Call to Holiness!).  Isinasagawa natin ang mga ito sa iba’t ibang estado ng ating buhay bilang may asawa, single o walang asawa, at bilang pari o relihiyoso.  Lahat ay daan tungo sa kabanalan.  Kapag tinawag ka ng Diyos sa pagpapari o pagmamadre e wag ka ng mag-atubili pa.  "Masagana ang ani, ngunit kakaunti ang aanihin. "  Ipagdasal natin na sana ay magpadala ang Panginoon ng maraming magtratrabaho sa bukid… Ikaw.. ANO BA ANG CALL WAITING MO?