AAKYAT KA RIN BA? : Reflection for Ascension Sunday - May 28, 2006
Sinubaybayan natin ang makasyasayang pag-akyat ng ilang Filipinong mountaineers sa pinakamataas na taluktok sa buong bundo… ang Mt. Everest! Humanga tayo sa kanilang galing, katapangan at pagtitiyaga! Ginugunita rin natin ngayong araw na ito ang isang pag-akyat… hindi sa isang bundok kundi sa ating patutunguhan kapag tayo ay nasa kabilang buhay na… ang kalangitan! Ano nga ba langit? Saan nga ba ito makikita? Sa aking palagay ay hindi mahalaga ang tanong na "ano" at "saan". Bagkus mas dapat nating bigyang pansin ang tanong na "paano?" Paano ba natin "maakyat" ang kalangitan. Ang kapistahang pinagdiriwang natin ay may kasagutan: Una, dapat nating paniwalaan at ipahayag na si Jesus ay ang ating Panginoon na niluwalhati ng Ama. Ang kanyang pag-akyat sa langit ay ang ating katibayan. Ikalawa, ang kanyang narating ay dapat din nating hangarin dito sa lupa. Kung saan siya naroroon dun din tayo paroroon. Ikatlo, itinalaga niya tayo sa isang misyon… na ipahayag ang kanyang mabuting balita! Hindi na natin kinakailangan pang umakyat ng Mt. Everest upang makamit ang ligaya… si Jesus lang… SAPAT NA! Aakyat ka rin ba?