MAY CALL WAITING KA BA? Reflection for 4th Sunday of Easter Year B - May 7, 2006
Ang ika-apat na Linggo ng Muling Pagkabuhay ay laging inilalaan ng Simbahan upang ipagdasal ang pagpapalaganap sa bokasyon ng pagpapari at pagiging relihiyoso (madre at lay brother). Ang ebanghelyo ay parating tungkol sa Mabuting Pastol upang paalalahanan tayo ng pangangailangan ng Simbahan ng mabubuting pastol na naayon sa halimbawa ni Jesus. Siya ang Mabuting Pastol na talagang may malasakit para sa kanyang mga tupa. Ngunit mahirap itong ipalaganap kung hindi muna natin naiintindihan ang ibig sabihin ng "bokasyon". Ano ba ang ibig sabihin ng bokasyon? Sagot sa aking ng isang bata: "Father ang pinto pag hindi nakasara… bukas yon!" hehehe… Me tama din siya. Ang isang pintong bukas ay naghihintay… nag-aanyaya! Ang bokasyon ay ang paghihintay ng Diyos sa kanyang paanyaya sa atin. May "call waiting" tayo na dapat nating sagutin. Ang unang pagtawag ng Diyos ay ang tayo ay mabuhay bilang tao (human vocation). Sinasagot natin ito kung nabubuhay tayo ng mabuti at kapag pinagyayaman natin ang buhay na kaloob sa atin ng Diyos. Ang ikalawang pagtawag ay ang ating pagiging Kristiyano (Christian vocation). Sinasagot natin ito kapag tayo ay nabubuhay na katulad ni Kristo (Christ-like). Ang resulta ay ang pinakamataas na pagtawag ng Diyos sa atin… ang pagiging banal (Call to Holiness!). Isinasagawa natin ang mga ito sa iba’t ibang estado ng ating buhay bilang may asawa, single o walang asawa, at bilang pari o relihiyoso. Lahat ay daan tungo sa kabanalan. Kapag tinawag ka ng Diyos sa pagpapari o pagmamadre e wag ka ng mag-atubili pa. "Masagana ang ani, ngunit kakaunti ang aanihin. " Ipagdasal natin na sana ay magpadala ang Panginoon ng maraming magtratrabaho sa bukid… Ikaw.. ANO BA ANG CALL WAITING MO?