NAPANOOD MO NA BA? : Reflection for 6th Sunday of Easter Year - B, May 21, 2006
Sa wakas… ipinalabas na rin ang Da Vinci Code! Katulad ng inaasahan, maraming mga Pilipino ang pumila upang manood at usisain kung bakit naging kontrobersyal ang pelikula! Alam mo naman tayong mga pinoy… mas kontrobersyal, mas dapat panoorin! May mga ilan na piniling wag na lang pansinin ang palabas. "Father, ako’y katoliko-sarado! Mahal ko ang Diyos kaya hindi ko panoorin ang pelikula… bibili na lang ako ng pirated dvd!" Tama bang panoorin ang pelikula? Nagkasala ka ba dahil napanood mo ito? Nakasalalay ba sa isang pelikula ang ating kaligtasan? Sa aking palagay ay mas malawak at mas malalim ang sinasabi ng aking pananampalataya upang madala ng isang kathang-isip na pelikula… Na sapagkat nanood ako ay nabawasan na ang pag-ibig ko sa Diyos! Tandaan natin ang sinabi ni San Juan tungkol sa pag-ibig: na bago pa natin mahalin ang Diyos ay minahal na Niya tayo… Ang Diyos ang unang nagmahal sa atin. At Siya ang nagnanais na manatili tayo sa Kanyang pag-ibig at mamunga sa ating buhay Kristiyano. Mananatili tayo sa Kanyang pag-ibig kung magmamahal tayo na tulad Niya. Una, ito ay "sacrificing love", handang masaktan para sa iba. Ikalawa, ito ay "all embracing love", walang pinipili… lahat ay tinatanggap. Panghuli ito ay naipapakita sa ating kilos sa pamamagitan ng paglilingkod. Kaya ba nating pagsilbihan ang ating kapwa lalong-lalo na ang mga nangangailangan? Sa aking palagay, ito ang mas dapat nating pagtuunan ng pansin kung kumbinsido tayo na tayo nga ay minahal ng Panginoon. Dapat nakakikitaan tayo ng "pag-ibig ni Kristo." Pumatok man sa takilya ang Da Vinci Code hindi dapat nito malagpasan ang pagmamahal natin kay Kristo.
June 3rd, 2006 at 6:09 am
hello po Fr. Duds!
tama kayo. i watched the movie din po. but it didnt affect my faith at all.
-Rex
http://kingofchocolates.blogspot.com