PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for June, 2006


GOD IS IN-CHARGE! : Reflection for 12th Sunday in Ordinary Time - June 25, 2006

StormIsang barko na lulan ng maraming pasahero ang nakasalubong ng malakas na bagyo sa gitna ng karagatan.  Nagpanic ang maraming pasahero sa sobrang lakas ng hangin at malalakas na alon na sumalpok sa barko.  May mga nag-iiyakan, may mga tumitili, may nag-uunahan sa life-boat at life-vest at may iba rin namang…. nagdarasal!  Isang matandang babaeng Katoliko ang nagsimulang dasalin ang litanya ng mga santo…  "San Pedro, San Pablo, San Juan, Sta. Maria, Sta. Ana… etc…" Isang intsik ang nakapansin sa kanya at sumigaw:  "Lintek… lubog na nga barko… tawag pa pasahero!"  Sa Ebanghelyo, laman din ng takot ang mga alagad ng maranasan nila ang malakas na bagyo at unti-unting paglubog ng kanilang bangkang sinasakyan. Lalo na ng makita nila si Jesus na naghihilik sa isang tabi at tila walang pakialam sa nangyayari.  Laking pagkagulat nila ng pagkatapos gisingin si Jesus ay pinayapa niya ang malalakas na hangin at alon!  "Bakit kayo natatakot? Wala ba kayong pananampalataya?"  Parang gustong sabihin ni Jesus:  "Ba’t kayo natatakot e naririto ako… ako ang in-charge dito!"  Yes…! Everytime we are afraid and discouraged just pause a while and think that "God is in-charge of our life!"  Wala ka ng perang panggastos… Wala ka ng pag-asang makapasa sa test…  Binasted ka ng GF mo… Natanggal ka sa trabaho… Bakit ka matatakot?  Merong in-charge sa buhay mo… Isuko mo ang iyong sarili sa kanya at gawin mo ang makakaya mo upang iahon mo ang sarili mo sa napipinto mong pagkalunod…  Nandiyan lang siya… IN-CHARGE S’YA!

EAT ALL YOU CAN! : Reflection for the Feast of Corpus Christi - June 18, 2006

Ph01 Ang sarap talagang kumain! Lalo na kapag "eat all you can!"  Pero ang ipinagtataka ko e bakit hindi ako makuntento sa aking kinakain. Parang kulang pa… kaya kain ng kain ng kain hanggang wala akong kamalay-malay na tumataas na pala ang bilbil ko! hehehe… Ganun ba talaga ang pagkain? Na pagkatapos mong isusubo e ilalabas mo rin?  Merong nangyayari na hindi natin namamalayan… nagiging kabahagi ng ating katawan ang ating kinakain. We become what we eat…! Kaya nga ingat…!  Kapag puro baboy ang kinakain mo e magmumukha ka rin baboy!  Kapag kambing naman ay malamang maging amoy kambing ka!  Kapag puro junk foods naman ay magiging junk din ang katawan mo…  You become what you eat!  Ngayon ko naintindihan kung bakit inalay ni Hesus ang kanyang sarili sa atin upang ating maging pagkain… gusto niyang maging katulad Niya tayo! In the Eucharist… we become like Christ!… Nagiging katulad natin S’ya! Ganito ba talaga ang nangyayari pagkatapos nating magkomunyon?  Nagiging katulad ba ni Kristo ang ating pag-iisip? Ang ating pananalita?  Ang ating pagkilos? Kaya naman pala kahit "eat all you can" ang ating pagtanggap ng Komunyon ay parang no effect sa atin ay sapagkat hindi natin ipinapakitang nagiging katulad Niya tayo. 

ANG DIYOS NA 3 in 1 : Reflection for the Feast of the Holy Trinity - June 11, 2006

10079591

I love cofee… Nag-outing kami sa Baguio last June 9-11 (kaya nga nalate itong reflection ko… sorry po!)  at nung pabalik na kami ay dumaan kami sa S.O.U.L. CAFE to taste the exotic "Cofee Alamid". Special daw kasi ang kapeng ito na ang beans ay galing sa "shit ng Alamid" hehehe!  Talagang mapapa… (sorry for the word) SHIT ka pag nainom mo ito!  PhP 170 ba naman sa isang maliit na expresso cofee! hehehe… sabi ko sa sarili ko… dun na lang ako sa aking 3 in 1 na Nescafe!  Tubig lang na mainit ang kelangan mo… enjoy ka na!  Sometimes we make life so complicated… e simple lang naman ang buhay…

Parang Diyos… we make Him too complicated in our minds.  We want to understand him using our limited intelligence… only to find out that God is understood not by the mind but by the heart.  Ang mga taong marunong lang magmahal ang nakakaunawa sa Diyos! Ako… kuntento na sa aking Diyos na 3 in 1… Ang Diyos Ama na nagbigay sa akin ng Kanyang Anak at patuloy na gumagabay sa akin sa pamamagitan ng Espiritu.  Di ko man S’ya lubos na maintindihan (bakit 3 in 1?)  alam ko namang mahal N’ya ako at nais Niyang mahalin ko rin Siya… more than understand Him, He wants me to love Him… 

Everytime I take a sip of cofee… kape Alamid man o simpleng Nescafe… it always reminds me of my God… 3 in 1… Three Persons in One God who loved me unconditionally… to the end!

ANG BANTAY: Reflection for the Feast of Pentecost - Year B: June 4, 2006

Jes1001_1Isang bata na may bagong mountain bike ang nagpark sa isang Simbahan at hinanap ang Parish Priest.  Nang makita ito ay magalang na nagpakilala at nagsabi: "Father, puwede ko po bang ipark dito ang bike ko… kasi po baka mawala. Bagong-bago pa naman yan!"  "Sige, anak" sagot ng pari, "magtiwala ka na walang mangyayaring masama sa bike mo." "Sure po ba kayo Father?" nagdududang tanong ng bata.  Huminga ng malalim ang pari at sinabi: "Sigurado ako!  Babantayan yan ng Holy Spirit kaya’t walang magnanakaw niyan! Kung gusto mo magdasal tayo…"  "Sige po Father…  In the name of the Father, and of the Son. Amen!" Singit ng pari: "Teka me kulang ata sa dasal mo… bakit wala ang Holy Spirit!"  Sagot ng bata: "Wag na nating abalahin Father, binabantayan niya ngayon ang bike ko!"  Totoo nga naman, ang Espiritu Santo ang nagbabantay sa Simbahan simula pa lamang ng ito ay itinatag.  Sa katunayan ngayon ay "birthday" ng Simbahan!  Ipinanganak ang Simbahan sa pagpanaog ng Espiritu Santo at ito ang patuloy na gumagabay sa kanya.  Nadarama mo ba ang paggabay ng Espiritu Santo sa iyong buhay?  Tinanggap mo ito nung ikaw ay bininyagan at kinumpilan. May epekto ba S’ya sa buhay mo ngayon?  Kung nanlalamig ka ngayon sa pananampalataya, hingin mo ang tulong Niya. Walang matigas na puso ang di Niya kayang palambutin kung handa tayong tumanggap sa Kanyang paggabay… "Come, Holy Spirit fill the hearts of your faithful and kindle in them the fire of your love…"