ANG DIYOS NA 3 in 1 : Reflection for the Feast of the Holy Trinity - June 11, 2006
I love cofee… Nag-outing kami sa Baguio last June 9-11 (kaya nga nalate itong reflection ko… sorry po!) at nung pabalik na kami ay dumaan kami sa S.O.U.L. CAFE to taste the exotic "Cofee Alamid". Special daw kasi ang kapeng ito na ang beans ay galing sa "shit ng Alamid" hehehe! Talagang mapapa… (sorry for the word) SHIT ka pag nainom mo ito! PhP 170 ba naman sa isang maliit na expresso cofee! hehehe… sabi ko sa sarili ko… dun na lang ako sa aking 3 in 1 na Nescafe! Tubig lang na mainit ang kelangan mo… enjoy ka na! Sometimes we make life so complicated… e simple lang naman ang buhay…
Parang Diyos… we make Him too complicated in our minds. We want to understand him using our limited intelligence… only to find out that God is understood not by the mind but by the heart. Ang mga taong marunong lang magmahal ang nakakaunawa sa Diyos! Ako… kuntento na sa aking Diyos na 3 in 1… Ang Diyos Ama na nagbigay sa akin ng Kanyang Anak at patuloy na gumagabay sa akin sa pamamagitan ng Espiritu. Di ko man S’ya lubos na maintindihan (bakit 3 in 1?) alam ko namang mahal N’ya ako at nais Niyang mahalin ko rin Siya… more than understand Him, He wants me to love Him…
Everytime I take a sip of cofee… kape Alamid man o simpleng Nescafe… it always reminds me of my God… 3 in 1… Three Persons in One God who loved me unconditionally… to the end!
