GOD IS IN-CHARGE! : Reflection for 12th Sunday in Ordinary Time - June 25, 2006
Isang barko na lulan ng maraming pasahero ang nakasalubong ng malakas na bagyo sa gitna ng karagatan. Nagpanic ang maraming pasahero sa sobrang lakas ng hangin at malalakas na alon na sumalpok sa barko. May mga nag-iiyakan, may mga tumitili, may nag-uunahan sa life-boat at life-vest at may iba rin namang…. nagdarasal! Isang matandang babaeng Katoliko ang nagsimulang dasalin ang litanya ng mga santo… "San Pedro, San Pablo, San Juan, Sta. Maria, Sta. Ana… etc…" Isang intsik ang nakapansin sa kanya at sumigaw: "Lintek… lubog na nga barko… tawag pa pasahero!" Sa Ebanghelyo, laman din ng takot ang mga alagad ng maranasan nila ang malakas na bagyo at unti-unting paglubog ng kanilang bangkang sinasakyan. Lalo na ng makita nila si Jesus na naghihilik sa isang tabi at tila walang pakialam sa nangyayari. Laking pagkagulat nila ng pagkatapos gisingin si Jesus ay pinayapa niya ang malalakas na hangin at alon! "Bakit kayo natatakot? Wala ba kayong pananampalataya?" Parang gustong sabihin ni Jesus: "Ba’t kayo natatakot e naririto ako… ako ang in-charge dito!" Yes…! Everytime we are afraid and discouraged just pause a while and think that "God is in-charge of our life!" Wala ka ng perang panggastos… Wala ka ng pag-asang makapasa sa test… Binasted ka ng GF mo… Natanggal ka sa trabaho… Bakit ka matatakot? Merong in-charge sa buhay mo… Isuko mo ang iyong sarili sa kanya at gawin mo ang makakaya mo upang iahon mo ang sarili mo sa napipinto mong pagkalunod… Nandiyan lang siya… IN-CHARGE S’YA!
June 25th, 2006 at 11:21 pm
Pads! grabe…I’ve been reading your blogs mula nung nagstart kang magpost..and i may say na very inspiring talaga lahat ng sinusulat mo…salamat…salamat ng marami..your today’s reflection is just right on time for me…Thank you po…
June 26th, 2006 at 2:21 pm
Naks!!! ang ganda ganda naman ng reflection nyo Fr. Duds! pwedeng i-compile at gawing libro!….God Bless and Cheers!!!