PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for July, 2006


WALANG KWENTA! : Reflection for 17th Sunday in Ordinary Time Year B - July 29, 2006

  Jes2004

"Limang tinapay… dalawang isda… galing sa isang bata."  Ang Panginoon nga naman… mapagbiro!  Sinabihan niya ang mga alagad na paupuin ang mga tao.  Sumunod naman sila… kahit marahil nagtataka kung ano ang gagawin niya.  At nangyari ang isang himala.  Nakakain ang lahat at may labis pa…  Ito naman talaga ang "modus operandi" ng Diyos kapag nais Niyang ipadama sa tao ang Kanyang kapangyarihan.  Gumagamit Siya ng maliliit… mahihina… walang kwenta!  Upang ipakita na sa Kanya lamang nagmumula ang kapangyarihan! Kung minsan, manonood ako ng balita sa TV.  Makikita ko ang paghihirap ng napakaraming tao.  Nitong nakaraang mga araw… mga biktima ng karahasan ng digmaan sa Lebanon.  Lagi kong tinatanong ang aking sarili… "anung magagawa ko para sa kanila?"  Ako’y isang karaniwang mamamayan… maliit… mahina… walang kwenta! Tandaan mo ang modus operandi ng Diyos.  Isang katulad mo ang paborito Niyang gamitin!  Kaya wag ka lang manood sa isang tabi… may magagawa ka!  Simulan mo silang isama sa iyong panalangin.  Pairalin mo ang pagkukusa sa pagtulong sa mga nangangailangan.  Iwasan mo ang pagiging makasarili sa halip pairalin mo ang pagiging mapagbigay… Tandaan mo tayong lahat ay parang "limang tinapay at dalawang isda…"

ANUNG GINAWA MO? : Reflection for 16th Sunday in Ordinary Time Year B - 23, 2006

Jes1013

"Panginoon… napakaraming nasalanta ng bagyong Florita.  Ang daming naghirap at namatay… anung ginawa mo?  Maraming OFW’s ang di makauwi dahil sa digmaan sa Lebanon… mabagal kumilos ang pamahalaan… marami ang nag-aalala at naghihirap… anung ginagawa mo?" tanong ng isang lalaking nagdarasal. Laking pagkagulat niya ng sumagot ang Diyos. "Iho… may ginawa ako.  Ginawa kita.  Ikaw ano naman ang ginagawa mo?" Kung minsan ang galing nating umangal sa Diyos.  Kawawa naman Siya.  Buntunan ng sisi.  Pag may biyaya tayong tinanggap nakakalimutan nating magpasalamat.  Pag may nangyaring masama… tampong pururot tayo sa Kanya. Ang hirap nating i-explain! Hindi nagkukulang ang Diyos sa atin.  Siya pa rin ang mabuting pastol na may malasakit sa kanyang mga tupa.  Sa ebanghelyo sinabing: "nahabag siya sa kanila (sa maraming tao) sapagkat para silang mga tupang walang pastol!" Kung naririto lamang si Hesus sa kanyang anyong katawan ngayon ay gayun pa rin marahil ang kanyang mararamdaman.  Pero may ginawa siya… ginawa niya tayo!  Bilang kanyang tagasunod, tayo rin ay matatawag na mabuting pastol.  Ano ang nararamdaman mo kapag napapanood mo sa TV o naririnig sa radio ang maraming paghihirap ng mga tao?  May parehong masalasakit ka rin ba?  May ginawa ka na bang konkreto para makatulong sa kanila o sa iyong kapwang nangangailangan?  Ginawa ka niya… ano na ang nagawa mo?

CBCP PASTORAL LETTER ON THE CURRENT SOCIAL AND MORAL ISSUES (Tagalog Version) Tnx to Fr. Monch, SDB

Ang liham ay nagsimula sa mga mahahalagang tanong na marahil ay mahalaga nating masagot bilang mga Katoliko:

Talaga bang kilala natin si Hesus?

Yung ating bang pagkakilala kay Hesus ay nagdadala ng tunay na pagbabago sa ating buhay?

Ang pagiging Kristiyano ba natin  ay nagdudulot ng  isang mas makatarungan , mapayapa at maayos na lipunan?

Ang mga katanungan na ito ay pagpapahiwatig na hindi natin maaring paghiwalayin ang Ebanghelyo at ang takbo ng ating buhay sa pamilya, sa lipunan, sa politika , sa kultura, at sa ekonomiya.

Kaya nga’t pinapaalala sa atin ng  mga Obispo na  ang mga turo ng simbahan ukol sa takbo ng lipunan at politika (Social Teachings of the Church) ay  bahagi ng pagpapahayag ng ebanghelyo. Ang ebanghelyo ay bahagi ng lahat ng aspeto ng ating buhay.

Subalit – ang mga panlipunang turo ng simbahan , ang mga Obispo , ang mga pari ay hindi kailanman  nagbibigay ng mga “konkretong

plano

at programa” para patakbuhin ang ating politika.  Ang turo ng simbahan ay nagbibigay lamang ng gabay at mga batayang prinsipyo kung paano isabuhay ang ebanghelyo sa lipunan. Binibigyan diin din ng mga Obispo na  reponsibilidad din ng simbahan na  ipakita ang mga di-magagandang bagay na dinudulot ng kasalanan sa ating lipunan – lalong-lalo na kung ang  mga kasalanang ito ay  nagdadala ng pang-aapi at di katarungan sa mga mahihina at mahihirap.

Mga Prinsipyo ng Panlipunang Turo ng Simbahan:

Kung ang gawain ng simbahan ay  magbigay ng ilang batayan kung paano isabuhay ang ebanghelyo sa lipunan – ano naman ang mga batayang ito?

Sa liham ng mg Obispo ang mga prinsipyong nabangit ay:

a)Makataong pag-unlad:  Ang tunay na pagbabago at pag-unlad sa lipunan ay binibigyang halaga ang karangalan ng bawat tao.

b)Ang mga nilikang bagay ng mundo, at ang kalikasan ay para sa lahat ng tao: Isang sanhi ng di-katarungan ay ang hindi pantay-pantay na pagbabahagi ng yaman ng mundo.

k)Panlipunang Katarungan at Pag-Ibig: Ang katarungan ay naka-ugat sa pagalang ng mga bagay na magdudulot ng kabutihan para sa lahat. Ang layunin ng politika ay palaguin ang katarungan sa isang lipunan.

d)Ang Pagmamahal at pagkiling sa maralita:  Tulad ni Hesus, ang Kristiyano ay binibigyang pansin at halaga ang mga mas mahihina at nangangailangan ng tulong.

e)Ang kahalagahan ng pagtratrabaho: Ang ating pagtratrabaho ay kinakailangan na magpalago ng ating pagkatao.

f)Ang Pangangalaga sa kalikasan: Ang kalikasan ay nilikha ng Diyos at ito ay kailangang pangalagaan.

g)Pagbibigay kapangyarihan sa tao:  Ang tunay na pagbabago sa lipunan ay nangangailangan ng partisipasyon at pagdedesiyon ng taong-bayan.

ANG PANLIPUNANG TURO NG SIMBAHAN AT ANG MGA PANGYAYARI SA ATING BANSA NGAYON:

Paano natin gagamitin ang mga prinsipying ito sa mga ilang mga bagay na nangyayari sa ating lipunan ngayon?

Sa liham ng mga Obispo kanilang binigyang –diin ang:

a) Ang Pagkasira ng mga Pamilya:  Maraming mga batas ngayon ang ginagawa  na unti-unting sumusira sa kasagraduhan at kahalagahan ng pamilya. Nandiyan yung mga batas ukol sa “population control” , ang  planong “sex education” sa mga public schools. Patuloy ang paalala ng mga Obispo ukol sa katotohanan ng pamilya ng kasal at ang pagiging lalake at babae.

b)Ang Pagbabago ng Konstitusyon (Charter Change): hinihingi ng liham na ang eleksyon sa 2007 ay kailangang ituloy. Ukol naman sa pagbabago ng Konstitusyon (charter change) – bagamat ang CBCP ay naniniwala na may mga ilang bahagi nito na kailangang baguhin – ang pagbabago ay kailangang mangaling sa malawakang pagtatanong at usapan ng mga taong-bayan.

k)‘”Impeachment” – ukol naman sa usaping impeachment ng Pangulong Arroyo:  Sinasaad ng liham na patuloy ang  paghahangad ng CBCP ng katotohanan. Gagalangin nila ang mga gawain ng mga grupo  na gustong idaan sa isang “impeachment process” ang paghahanap ng katotohanan. Subalit, bilang isang grupo, hindi sila pabor sa “impeachment process” sa kasalukuyang ayos nito. Naniwala sila na kailangan munang maayos ang mga batas at patakaran ng prosesong ito at ang lahat ng partido ay talagang naghahangad ng kabutihan para sa lahat.

d)Pagbabago sa mga patakarang eleksyon: Patuloy ang kanilang panawagan na ayusin ang Comission on Elections sa pamamagitan ng pagpapalit ng ilang mga tauhan nito.

e)Ang mga ilang pagpatay sa labas ng batas: Ang mga pagdami ng mga namamatay na militante at mga mamahayag  ay kinokondena ng mga Obispo. Kasama din naman dito ang ilang di-makatrungang pagkilos ng mga rebelde.

Ito po ang ilang mga bagay na sinasaad ng liham-pastoral. Nawa’y makatulong po ito sa ating paghahanap at pagpapaganap ng isang maayos na bansa.

Bilang isang Parokya – ano naman ang ating puwedeng gawain:

a)Maging mapagmasid sa mga kilos at gawain ng ating mga pamunuan hindi lang sa pambansang pamahalaan , ngunit pati na din sa ating iba-t-ibang barangay.

b)Patuloy nating suportahan ang ilang mga proyektong pang-maralita ng parokya  tulad ng ating clinic at balik-aral.

k)Kung sakaling may mga kikilos na naman para sa pagpapapirma tungkol sa pagbabago ng Konstitusyon – kung maari ay pag-aralan at pag-usapang mabuti ang mga pagbabagong hinihingi.

d)Palalimin natin ang ating pananamaplataya at kaalaman sa mga turo ng Simbahan.

LET GO.. LET GOD! : Reflection for 15th Sunday in Ordinary Time Year B - July 16, 2005

Hikers Travel light…" Isang prinsipyong natutunan ko sa tuwing ako ay luluwas at pupunta sa isang malayong lugar.  Sa isang katulad ko na mahilig magbyahe at magpalipat-lipat ng sasakyan napakalaking sagabal ang marami at mabigat na bagahe!  Kung puwede nga lang sana na wala ng bitbit eh!  Kung ang buhay sa lupa ay sinasabing isang paglalakbay… byaheng patungong kaharian ng langit… maari rin nating gamitin ang prinsipyong "travel light."  Hindi nakapagtataka na pinaalalahan ni Jesus ang mga alagad na wag magdalala ng mga di naman talaga kinakailangan sa kanilang misyon:  "no food, no sack, no money in their belts…"  Parang hindi ata praktikal si Jesus kung ating iisipin. Gusto lamang niyang isaisip ng mga alagad ang kahalagahan ng "detachment" sa kanilang paglalakbay.  "To let go"  of the many attachments in life that could serve as obstacle in their mission. But it is not a mere letting go for the sake of detachment… It is a letting go inorder to let God take control of our life.  It is a detachment from material possessions in order to attach ourselves to Him! Binibitiwan natin ang labis na pagmamahal sa mga materyal na bagay upang mas lalo pa natin Siyang mahalin at iasa sa Kanya ang ating buong buhay.  Let go… let God…!

ACCEPTANCE & REJECTION: Reflection for the 14th Sunday in Ordinary Time Year B - July 9, 2006

Hands_that_link_up_1 "Uuuy ganda… Ayyy… di pala!"  Sabi ng isang commercial ng shampoo sa tv.  Ba’t ganyan tayong mga tao?  Namimili ng taong ating lalapitan. Namimili ng taong kakausapin.  Namimili ng taong mamahalin…  To be accepted and appreciated is a basic human need.  Kapag ang isang tao ay hindi nabigyan nito ang tawag natin sa kanya ay KSP… Kulang sa pansin??? No…. Kulang sa Pagmamahal!  It is so hurting to be rejected especially by people whom you knew and loved. This was the experience of Jesus himself when he was rejected by his own kinsmen.  They found him too ordinary for them and therefore was not accepted by them. This rejection would continue until its culmination on the cross.  Sometimes we are also propagating this culture of rejection. We reject God if we are used to compromising our Christian values to worldly things… we reject others if we are self-centered and favored only those who are ‘lovalble’ and ‘amiable’… Ito ang hamon ng Ebanghelyo sa atin ngayon… maging bukas ang ating puso sa pagtanggap sa Kanya at sa ating kapwa.

SICKNESS and FAITH: Reflection for 13th Sunday in Ordinary Time - Year B, July 2, 2006

Xs_hand_that_leads_2 Sorry if this reflection came again late… I was down by a flu since last Sunday.   Call it blessing in disguise but I thank the Lord for letting me experience "a bit" of sickness… only in this situation i was able to relate more personally in this Sunday’s Gospel.  Ang hirap talagang magkasakit… kung simpleng lagnat at ubo ay inaangal ko na, papaano pa kaya yung babae sa Ebanghelyo na labindalawang taon ng naghihirap sa kanyang karamdaman. Kaya pala ganun na lang ang pagnanais niyang mapagaling ni Jesus.  Kahanga-hanga ang kanyang pananampalataya: "Mahawakan ko lang ang damit niya… gagaling na ako!"  God is good.  God is great. God is merciful.  But God also wants our ‘faith’.  Hindi sapagkat kailangan Niya nito sapagkat Diyos na Siya. Tayo ang nangangailangan nito upang ipakita natin na kailangan natin Siya. Faith in God reaches its highest expression when we surrender totally our will to His.  We pray it often anyway… just a matter of living it…  "May Your kingdom come, Your will be done on earth as it is in heaven… Amen!"