LET GO.. LET GOD! : Reflection for 15th Sunday in Ordinary Time Year B - July 16, 2005
Travel light…" Isang prinsipyong natutunan ko sa tuwing ako ay luluwas at pupunta sa isang malayong lugar. Sa isang katulad ko na mahilig magbyahe at magpalipat-lipat ng sasakyan napakalaking sagabal ang marami at mabigat na bagahe! Kung puwede nga lang sana na wala ng bitbit eh! Kung ang buhay sa lupa ay sinasabing isang paglalakbay… byaheng patungong kaharian ng langit… maari rin nating gamitin ang prinsipyong "travel light." Hindi nakapagtataka na pinaalalahan ni Jesus ang mga alagad na wag magdalala ng mga di naman talaga kinakailangan sa kanilang misyon: "no food, no sack, no money in their belts…" Parang hindi ata praktikal si Jesus kung ating iisipin. Gusto lamang niyang isaisip ng mga alagad ang kahalagahan ng "detachment" sa kanilang paglalakbay. "To let go" of the many attachments in life that could serve as obstacle in their mission. But it is not a mere letting go for the sake of detachment… It is a letting go inorder to let God take control of our life. It is a detachment from material possessions in order to attach ourselves to Him! Binibitiwan natin ang labis na pagmamahal sa mga materyal na bagay upang mas lalo pa natin Siyang mahalin at iasa sa Kanya ang ating buong buhay. Let go… let God…!
July 18th, 2006 at 6:21 pm
I remember the movie “the missionary” isang jesuit priest ang kumuha kay robert de niro at isinama siya sa misyon area niya sa inner forests ng amazon. When they were climbing, De Niro brought with him all of his valuables. Hirap na hirap siyang dalhin, pero okay lang tiniis niya kasi mga yaman niya yun eh. But when they reached the tribe, hinarang siya ng isang native..kinuha ang gamit niya at itnapon sa bangin. Naiyak si De niro dun sa scene…iba nga talaga kung konti lang ang mga bagahe natin sa buhay kung ito ay ilalaan para kay Kristo…Parang siya di ba?! He lived a simple life but was heavily burdened by our sins..pero okay lang kasi yun ang mas importante naman…