PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for August, 2006


CHOICES : Reflection for 21st Sunday in Ordinary Time Year B - August 27, 2006

El_greco(I have to beg again your apology for this late reflection… nawala kasi ang internet access for several days… better late than never naman di ba? hehehe… tama ng palusot! ) 

We all make choices in life…  May mga choices na mababaw katulad ng: Ano ang isusuot kong damit mamya?  Anung panonoorin kong sine?  Anung gimik namin this weekend?… etc.  Pero may mga choices na mahalaga:  Anung course ang kukunin ko sa college?  Anung magandang work ang papasukan ko?  Ano ba ang gusto ng Diyos na gawin ko sa buhay ko?  In the Gospel of today, the Lord is not asking us to make a choice but a FUNDAMENTAL CHOICE. "Do you also want to leave?" was the question of Jesus when most of his followers abondoned him.  It is a choice whether to be for Christ or against Him.  In the First Reading, Joshua and the Israelites made a choice: "We also will serve the Lord, for He is our God!"  Can we also make the same bold choice now?  Simple choices like to cheat or not, to smoke or not,  to cut classes or not… confronts us everyday! Our choice reveals who we are and where we are going.  To choose Christ is to choose life… to choose SIN is to choose death. Everytime we choose to commit sin we are turning away from God and abandoning Him.  We know the effect but why are we still vent on choosing sin in our life?  "Gusto kong bumait pero di ko magawa!"  As the song goes but this is not true… St. Dominic Savio made a decisive choice at the age of 15… death rather than sin!  Kaya ko rin ba yun?  Remember… it’s your choice!

HINDI PO AKO GUTOM! : Reflection for the 20th Sunday in Ordinary Time Year B - August 20, 2006

Madrid_particolare"Tatay laro tayo!"  Sabi ng bata sa kanyang tatay na abala sa trabaho. "Hindi muna ngayon anak marami akong ginagawa."  "Anung ginagawa mo?" "Nagtratrabaho." "E bakit ka nagtratrabaho?"  Pakulit na tanong ng anak. "Para yumaman tayo." "E bakit gusto mong yumaman tayo?" Tanong uli ng anak. "Para marami tayong pera." Sagot ng tatay na medyo nakukulitan na.  "E bakit gusto nyong magkapera?"  Nagtaas na ng boses ang tatay: "Para may makain tayo!" Tanong uli ang anak:  "E bakit tayo dapat kumain?"  Sumigaw na ang tatay: "Para di tayo magutom!"  Tumahimik sandali ang bata at pagkatapos ay sinabi: "Tatay… hindi po ako nagugutom! Laro tayo!"   May tama din naman ang bata.  Ang pagkagutom ay di lang pisikal.  May pagkagutom ding espirituwal tulad ng pagkagutom sa katotohanan at justisya, pagkagutom sa kapayapaan, pagkagutom sa pagmamahal, etc…  Ngunit ang higit sa lahat ng pagkagutom ay ang "pagkagutom sa Diyos."  Batid ni Hesus ang pagkagutom na ito kaya’t inialok niya ang kanyang sarili upang maging pagkaing nagbibigay buhay!  "I am the Living Bread came down from heaven.  He who eats this bread lives forever…" Mapalad tayo dahil maari natng tanggapin ang pagkain ito linggo linggo… araw-araw!  Bilangin mo ang mga komunyong tinanggap mo… madami na di ba?  Anung epekto nito sa ‘yo?  Nagbabago na ba ang pag-uugali mo?  Nagiging mas mapagmahal ka ba sa yong kapwa?  Mapagpatawad sa yong mga  kaaway?  Namumuhay na matuwid?  Tanong lang…

DARNA? : Reflection for the Solemnity of the Assumption of Mary - August 15, 2006

Copy_of_murilloNung bata pa ako hangang-hanga ako sa mga superhoes. Bilib ako sa angkin nilang kapangyaharian lalo na ang kakayahan nilang lumipad.  Naging avid fan ako ni Darna (Si Vilma Santos pa nun at Roderick Paulate!). Mapa-sine man o comics ay wala akong pinalalagpas (lalo na ngayong si Angel Locsin na ang gumanap sa papel na ito.)   Ngunit ang mga ito ay kathang isip lamang.  Wala naman talagang Darnang lumilipad!  Eto ang totoo… may isang nilalang na pumailanlang sa langit katawan at kaluluwa! Hindi siya sa Superhero na katulad ni Darna.  Isang simpleng babaeng taga Nazareth, Galilea ang pinagkalooban ng Diyos ng biyaya na pakatapos ng kanyang buhay dito sa lupa ay iniakyat sa langit katawan at kaluluwa!  Ito ang ipinahayag ni Pope Pius XII noong November 1, 1950: "The Immaculate Mother of God, Mary ever Virgin, when the course of her earthly life was finished, was taken up body and soul into the glory of heaven."  Ang biyayang ito ay ipinagkaloob ng Diyos kay Maria sapagkat siya ang hinirang na Ina ng Diyos at dahil sa kanyang katapatan sa pagtupad nito.  Tayo rin, kung mananatiling tapat sa ating bokasyon bilang isang Kristiyano ay papalarin din, katulad ng Mahal na Birhen, na marating ang langit at makamtan ang gantimpala ni Kristo. 

YOU ARE WHAT YOU EAT! : Reflection for 19th Sunday in Ordinary Time Year B - August 13, 2006

Consadori_s"You are what you eat!"  says an old proverb.  Totoo ba ito?  May kaibigan ako mahilig kumain ng baboy. Napansin kong habang tumatagal pataas ng pataas ang bilbil nya hanggang umabot na sa kilikili.  Ngayon mukha na s’yang lilitsunin.  May kaibigan akong mahilig kumain ng kalderatang kambing… ngayon di ka makakalapit sa kanya…Amoy kambing na rin siya.  Our life is a journey and in this journey we need be nourished; not only with healthy food but food that gives "eternal life."  Meron ba nun?  In the Gospel today the Lord offers himself as the bread that gives eternal life.  "He who eats this bread lives forever… and the bread that I will give is my flesh for the life of the world."  Wow!  Ito pala ang ginagawa ko tuwing nagmimisa ako.  Ito pala ang nangyayari tuwing nagsisimba kayo at tumatanggap ng komunyon. Tinatanggap natin ang buhay na walang hanggan na pinangako sa atin ng Panginoon.  Nakakalungkot maraming Kristiyano ang hindi nakakaintindi dito. Madalas ay binabalewala natin ang Katawan ni Kristo na ating tinatanggap.  Parang di tayo bilib sa sinabi ni Jesus.  Pagkatapos tanggapin si Kristo ganun pa rin tayo… walang pagbabago. "We are what we eat…"  Sana maging katulad tayo Kristo sa tuwing tinatanggap natin Siya…

NEW LOOK… CHRIST LOOK! : Feast of Transfiguration YEAR B - August 6, 2006

2274 Ang hirap espelingin ng tao ngayon…  ang matataba gustong magpapayat… ang mapapayat gustong magpataba.  Ang maiitim nagpapaputi… ang mapuputi nagpapaitim.  Ang kulot ang buhok nagpapastraight… ang straight nagpapakulot.  Marami ang gustong magbago. Di makuntento sa kanilang anyo! Minsang nagpagupit ako may lumapit sa akin… "Father… gagong gupit ka ha? New look! hehehe"…  Buti na lang nakapapigil ako ng sarili!  Sa Ebanghelyo, si Jesus din ay nagbagong anyo.  Ngunit pagbabagong anyo upang ipakita sa mga piling alagad kung sino talaga Siya… Siya ang Anak ng Diyos na lubos na kinalulugdan ng Ama! "This is my beloved Son!" sabi ng tinig mula sa alapaap.  Sa ating buhay Kristiyano ang panawagan din ay pagbabagong anyo.  Pagbabagong anyo upang ipakita kung sino talaga tayo… mga anak na mahal ng Diyos!  Kaya nga’t mahalaga na ang ating pagbabago ay dapat pagbabago tungo sa kabutihan… sa kabanalan!  Nakapagkumpisal ka ng mabuti… ituloy mo ang pagbabago.  Tinalikuran mo ang bisyo… ituloy mo ang pagsisikap. Gumawa ka ng kabutihan… isagad mo ang pagtulong.  Ang pagbabagong anyo ay pagbabagong buhay!  May nabago na ba sa iyo? Dapat tayo ay nagiging katulad ni Kristo… Kaya more than "new look" dapat tayong lahat… "Christ look!"