NEW LOOK… CHRIST LOOK! : Feast of Transfiguration YEAR B - August 6, 2006
Ang hirap espelingin ng tao ngayon… ang matataba gustong magpapayat… ang mapapayat gustong magpataba. Ang maiitim nagpapaputi… ang mapuputi nagpapaitim. Ang kulot ang buhok nagpapastraight… ang straight nagpapakulot. Marami ang gustong magbago. Di makuntento sa kanilang anyo! Minsang nagpagupit ako may lumapit sa akin… "Father… gagong gupit ka ha? New look! hehehe"… Buti na lang nakapapigil ako ng sarili! Sa Ebanghelyo, si Jesus din ay nagbagong anyo. Ngunit pagbabagong anyo upang ipakita sa mga piling alagad kung sino talaga Siya… Siya ang Anak ng Diyos na lubos na kinalulugdan ng Ama! "This is my beloved Son!" sabi ng tinig mula sa alapaap. Sa ating buhay Kristiyano ang panawagan din ay pagbabagong anyo. Pagbabagong anyo upang ipakita kung sino talaga tayo… mga anak na mahal ng Diyos! Kaya nga’t mahalaga na ang ating pagbabago ay dapat pagbabago tungo sa kabutihan… sa kabanalan! Nakapagkumpisal ka ng mabuti… ituloy mo ang pagbabago. Tinalikuran mo ang bisyo… ituloy mo ang pagsisikap. Gumawa ka ng kabutihan… isagad mo ang pagtulong. Ang pagbabagong anyo ay pagbabagong buhay! May nabago na ba sa iyo? Dapat tayo ay nagiging katulad ni Kristo… Kaya more than "new look" dapat tayong lahat… "Christ look!"
August 6th, 2006 at 4:55 am
wow father, hihi ^_^ nice gospel..Ü