YOU ARE WHAT YOU EAT! : Reflection for 19th Sunday in Ordinary Time Year B - August 13, 2006
"You are what you eat!" says an old proverb. Totoo ba ito? May kaibigan ako mahilig kumain ng baboy. Napansin kong habang tumatagal pataas ng pataas ang bilbil nya hanggang umabot na sa kilikili. Ngayon mukha na s’yang lilitsunin. May kaibigan akong mahilig kumain ng kalderatang kambing… ngayon di ka makakalapit sa kanya…Amoy kambing na rin siya. Our life is a journey and in this journey we need be nourished; not only with healthy food but food that gives "eternal life." Meron ba nun? In the Gospel today the Lord offers himself as the bread that gives eternal life. "He who eats this bread lives forever… and the bread that I will give is my flesh for the life of the world." Wow! Ito pala ang ginagawa ko tuwing nagmimisa ako. Ito pala ang nangyayari tuwing nagsisimba kayo at tumatanggap ng komunyon. Tinatanggap natin ang buhay na walang hanggan na pinangako sa atin ng Panginoon. Nakakalungkot maraming Kristiyano ang hindi nakakaintindi dito. Madalas ay binabalewala natin ang Katawan ni Kristo na ating tinatanggap. Parang di tayo bilib sa sinabi ni Jesus. Pagkatapos tanggapin si Kristo ganun pa rin tayo… walang pagbabago. "We are what we eat…" Sana maging katulad tayo Kristo sa tuwing tinatanggap natin Siya…