MAPALAD KA… : Reflection for 22nd Sunday in Ordinary Time Year B - September 3, 2006
"Panginoon, maraming salamat po at binigyan mo ko ng mabilis na paa. Nang-agaw ako ng
cellphone at hindi ako nahuli! Salamat Paniginoon…" ang dasal ni Juan sa harap ng isang malaking krus sa isang simbahan. At meron syang narinig na tinig… "Mapalad ka Juan mapalad ka!" Laking pagkagulat ni Juan ng marinig ang tinig at nagtanong: "Panginon, anung ibig sabihin mong mapalad ako?" Sagot ng tinig sa kanya "Mapalad ka Juan… nakapako ang mga kamay at paa ko… kung hindi binatukan at tinadyakan na kita!" hehehe… Kwento lang yun! Di naman nangbabatok at nanadyak si Jesus ngunit alam nating galit siya sa mga taong mapagpa-imbabaw!… Sa mga taong nag-aakalang sila’y banal sapagkat labas-pasok sa loob ng Simbahan… Sa mga taong memorize ang kabanata at talata sa Bibiliya ngunit patuloy sa paninira sa kapwa!… sa mga taong sumusunod sa mga utos ng Diyos ngunit wala naman sa puso ang pagtalima dito. Hindi binabalewala ni Jesus ang mga kautusan at kagawian ng mga tao. Ang hindi niya matanggap ay ang hindi tamang pagsasabuhay ng batas na nagiging sanhi ng lalong paghiwalay ng tao sa Diyos. Ito ang sabi ni Propeta Isaiah sa mga taong iyon: "This people honors me with their lips, but their hearts are far from me…" Ang batas ay ibinigay ng Diyos sa ating mga tao upang makamit natin ang kapayapaan, kaligayahan at kaayusan ng pamumuhay hindi upang maging pabigat at pasanin! Ang tunay na pagsamba sa Diyos ay hindi nakikita lamang sa panlabas kundi nasa kalooban ng bawat taong tunay na nagmamahal sa Diyos at sa kanyang kapwa!
"Paano ko ba isinasabuhay ang aking pananampalataya? Paano ko sinusunod ang mga utos ng Diyos? Baka isang araw batukan at tadyakan na lang ako ng Panginoon…
September 18th, 2006 at 6:38 am
hello Father Duds!
Thank you for continuing posting some reflection for a week.. thank you again.. God Bless you too father.. Amen