TOUCHING LIVES… Reflection for the 23rd Sunday in Ordinary Time Year B, September 10, 2006

Isang batang retarded na pipi at bingi ang umakyat sa isang mataas na puno ng niyog. Nakita siya ng maraming tao at pilit siyang pinabababa sa pangambang siya ay mahulog. Ngunit ayaw bumaba ng bata. Tumawag sila ng tulong sa mga baranggay tanod pero bale wala lang bata. Tinawag na nila ang kapitan ng baranggay ngunit nagmistulang tanga lamang ang kapitan… ayaw bumaba ng bata. Nagkataong napadaan ang parish priest ng lugar. "Father, kayo na nga ang magpababa. Baka sa inyo sumunod." Napilitang sumunod ang pari. Lumapit sa puno. Tumingala sa itaas at iwinasiwas ang kamay na tila nagbabasbas sabay bulong ng ilang salita. Agad-agad ay bumaba ang bata. Laking gulat ng mga tao at manghang-mangha sa pari. "Ang banal talaga ni Father! Binasbasan lanng ang bata… solve na!" Tugon ng pari: "Anung binasbasan? Sinabi ko sa bata… Hoy bata! Ikaw baba o putol puno… baba o putol puno!" hehehe… Ang hirap talagang kausapin ng taong may ganitong kapansanan. Kung minsan ay maawa ka na lang sa kanilang kalagayan. Ngunit may isa pang pagkabingi at pagkapipi na mas masahol pa sa pisikal na kapansanan at ito ang nais ni Hesus na ating tugunan. Sa ebanghelyo, narinig nating hinawakan ni Jesus ang lalaki. Jesus touched the ears and tounge of that person and he got healed. The touch of Jesus brings healing because it is the touch of God’s love! We are also called to touch the hearts of people who are spiritually deaf and mute. Kapag nakikiramay ka sa isang taong nagdadalamhati, kapag pinatatawa mo ang kaibigan mong malungkot, kapag pinapatawad mo ang mga nagkakamali sa yo… hinihipo mo ang puso nila… You are bringing healing in their hearts… you are touching them with God’s love… Dapat ganito tayong mga Kristiyano… "Touching lives…"