PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for November, 2006


TO LIVE NOT ONLY TO EXIST: Reflection for the month of November 2006 - Tribute to Peter and Paul Mendoza

Umaga ng November 25, 2006… inaantok pa kami habang ang aming coaster na sinasakyan ay payapang bumabaybay sa kahabaan ng South Luzon Expressway upang dumalo ng KOA Brotherhood Day sa Canlubang, Laguna, nakatanggap ang kasama kong teacher ng isang text… may namatay daw na 2 alumni bosconian sa isang tragic car accident.  Sinabi sa akin ang pangalan… kahit anim na taon na akong nawala sa Pampanga, agad nag-register sa akin ang mukha ng dalawa.  Sino ba naman ang di makakaalala sa mukha ng kambal na Peter and Paul noong sila ay estudyante pa lang sa Don Bosco Academy…  tahimik, magalang, mabait at… matalino.  Madaling araw daw pauwing Apalit nang ang kanilang sinasakyang CR-V ay bumangga sa isang truck.  Mabilis marahil ang kanilang takbo kung susuriin ang pagkabangga ng kanilang sasakyan na halos parang accordion na nayupi ang buong katawan.  Nakakalungkot isipin, nakakapanghina ng marinig namin ang balita… may bosconians uling namatay sa aksidente.  Tinanong ko ang Diyos kung "bakit?"  Katahimikan ang tinanggap kong sagot.  Marahil mali ang tanong ko… Tinanong ko uli kung "ano?"… ano ang ibig sabihin ng kanilang pagkamatay?  Mayroon S’yang ibinulong sa aking puso: "Duds, hindi mo hawak ang buhay mo.  Ako ang may-ari n’yan.  Ibinigay ko yan sa ‘yo pero kukunin ko uli sa oras na di mo alam. Hindi ang haba ng buhay mo ang mahalaga… kundi kung paano mo ginamit ang buhay na pinagkaloob ko sa ‘yo!"  Peter and Paul were excellent students during my term as Spiritual Moderator of DBA… consistent conduct awardees, academic achievers, good natured students, friends to everybody… in short, bosconians who lived their life to the full!  I think this is what life is all about… TO LIVE NOT ONLY TO EXIST!  Sabi ni St. Ireneus… the Glory of God is MAN FULLY ALIVE!  The twins undoubtedly lived their life to the full… how about me?  Thank God for the many chances He’s giving us. Wag nating sayangin ang buhay natin. Pasalamat tayo at buhay pa rin tayo… pero higit sa lahat mabuhay tayo na para sa Kanya.  Sabi nga ng isang kanta: "minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito, kaya anuman ang mabuting maaring gawin ko ngayon. O anumang kabutihan ang maari kong ipadama, itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ‘to… Nawa’y wag ko ‘tong ipagpaliban o ipagwalang bahala, sapagkat di na ko muling daraan sa ganitong mga landas…"

ITO ANG HARI: Reflection for the Solemnity of Christ the King - November 26, 2006

"Ito ang hari!"  Hindi ang nasirang FJP "the King" ang tinutukoy ko.  Lalo namang di ko inaadvertise ang Ginebra San Miguel! Ang tunay na hari ng mga hari ang nais kong bigyan natin ng pansin. Narating na naman natin ang pinakahuling Linggo ng taong liturhiya: ang pagdiriwang sa Kapisatahan ni Kristong Hari.  Sa isang Linggo, panahon na ng Adbiyento, pagkatapos ng apat na linggo… Pasko na!  Ang bilis ng panahon!  Isa lang ang naiisip ko kapag pinagdiriwang ang Kristong Hari… na may katapusan ang aking buhay.  Kahit ga’no ako kagwapo (sana!) hehe.., kahit gano ako katalino,  kahit gaano ako ka-telentado, kahit na ga’no ako kayaman… may katapusan at huling hantungan ang buhay ko… at iyon ay sa piling ng aking Hari… sa aking Panginoong Jesukristo!  Ang tanong…  nagsilbi ba ako ng mabuti sa aking hari? Paano ko ba ipinakita sa aking buhay na Siya ang aking Hari?  Nakakahiya… baka sabihin nya: "Walang kwentang alipin… bakit di mo ako pinagsilbihan ng mabuti?"  Si Kristo ay dapat maghari sa aking puso… hindi ang masama kong pag-uugali, masasamang hilig, masamang pagnanasa.  Ngunit di ito sapat… kung talagang naniniwala ako na Siya ang Hari ng sanlibutan, ng lahat ng tao, dapat ay pagsikapan kong mahikayat din ang iba na ituring Siyang Hari ng kanilang buhay!  Dapat sikapin ko rin na ang aking lipunang ginagalawan ay pinaghaharian ng kanyang pag-ibig.  Dapat masabi ng lahat: "Ito ang Hari!" 

BEING YOUNG! : Reflection for the National Youth Day - November 8-12, 2006

Pb110023_1 Hi! I’m back with my reflections…!  Pasensya na, the recent celebration of National Youth Day in Davao drained all my energy and power! hehe… It was a nice experience though!  Ang feeling ko after Davao… bumata ako ng 20 years!  National Youth Day is always a celebration of "being young!"  I felt re-invogorated and rejuvinated after the four tiresome days of "being young".  A lot of realization came into my mind but the best of them all is the thought that "the Church really cares for the young people!"  Mahal ng Simbahan ang mga kabataan!  Sana naramdaman ito ng lahat ng mga kabataang nagsidalo. Sana dala-dala ito ng mga kabataan sa kanilang mga parokya pag-uwi nila.  Sana mas marami pang mga kabataan ang magbigay ng oras nila para maglingkod sa kanilang kapwa kabataan. "Youth serving youth!  Not afraid to take the challenge to be the bearers of love and signs for all that who believe…"

MAS MAKAPANGYARIHAN SA DIYOS: Reflection for 31st Sunday in Ordinary Time Year B - November 5, 2006

Jes1013_1 May joke sa isang text: "Nanay, anu po ba ang sampung utos? tanong ng isang bata.  Sagot ng nanay: "Ah… yan yung ibinigay ng Diyos.  Ipinapakita nito na Siya ay makapangyarihan!"  "Kung ganun nanay… mas makapangyarihan pa pala kayo sa Diyos!"  Singit ng bata.  "E bakit naman?" patatakang sagot ng nanay.  "E… kasi po ang dami ninyong utos!" hehehe….  Me tama nga naman yung bata…  Ngunit kung susuriin natin ang Ebanghelyo makikita natin na "mas makapangyarihan pa nga ang mga tao noon sa Diyos!"  Ang dami kasing "utos"!  Mula sa sampu umabot ng 613 ang tinatawag nilang "precepts of the law", mga umusbong na kautusan mula sa orihinal na 10.  Kaya tama rin ang tanong ng Eskriba.  Nakakalito nga naman ang mga utos sa dami nito.  Ngunit "focus" si Jesus!  Alam N’ya ang Batas sapagkat Siya rin ang pinanggalingan nito: "You shall love the Lord your God with all your heart, with all your soul, with all your mind, and with all your strength…" at may idinagdag S’yang kakaiba ng panahon na iyon… "you shall love your neighbor as yourself." Kung papansinin natin ang puso ng kautusan ay pagmamahal… hindi pagbabawal.  Ang problema sa mga batas natin ay panay pagbabawal. Bawal tumawid, bawal manigarilyo, bawal umihi sa pader, bawal magnakaw, bawal pumatay, bawal… puro bawal.  Isa lang sabi ni Jesus… "magmahal ka!"  Kaya tama si San Agustin ng sinabi nyang: "Love and do what you want!"  Kapag nagmahal ka, siguradong tama ang pagsunod mo sa batas… hindi ka magkakamali!"