ITO ANG HARI: Reflection for the Solemnity of Christ the King - November 26, 2006
"Ito ang hari!" Hindi ang nasirang FJP "the King" ang tinutukoy ko. Lalo namang di ko inaadvertise ang Ginebra San Miguel! Ang tunay na hari ng mga hari ang nais kong bigyan natin ng pansin. Narating na naman natin ang pinakahuling Linggo ng taong liturhiya: ang pagdiriwang sa Kapisatahan ni Kristong Hari. Sa isang Linggo, panahon na ng Adbiyento, pagkatapos ng apat na linggo… Pasko na! Ang bilis ng panahon! Isa lang ang naiisip ko kapag pinagdiriwang ang Kristong Hari… na may katapusan ang aking buhay. Kahit ga’no ako kagwapo (sana!) hehe.., kahit gano ako katalino, kahit gaano ako ka-telentado, kahit na ga’no ako kayaman… may katapusan at huling hantungan ang buhay ko… at iyon ay sa piling ng aking Hari… sa aking Panginoong Jesukristo! Ang tanong… nagsilbi ba ako ng mabuti sa aking hari? Paano ko ba ipinakita sa aking buhay na Siya ang aking Hari? Nakakahiya… baka sabihin nya: "Walang kwentang alipin… bakit di mo ako pinagsilbihan ng mabuti?" Si Kristo ay dapat maghari sa aking puso… hindi ang masama kong pag-uugali, masasamang hilig, masamang pagnanasa. Ngunit di ito sapat… kung talagang naniniwala ako na Siya ang Hari ng sanlibutan, ng lahat ng tao, dapat ay pagsikapan kong mahikayat din ang iba na ituring Siyang Hari ng kanilang buhay! Dapat sikapin ko rin na ang aking lipunang ginagalawan ay pinaghaharian ng kanyang pag-ibig. Dapat masabi ng lahat: "Ito ang Hari!"