MAS MAKAPANGYARIHAN SA DIYOS: Reflection for 31st Sunday in Ordinary Time Year B - November 5, 2006
May joke sa isang text: "Nanay, anu po ba ang sampung utos? tanong ng isang bata. Sagot ng nanay: "Ah… yan yung ibinigay ng Diyos. Ipinapakita nito na Siya ay makapangyarihan!" "Kung ganun nanay… mas makapangyarihan pa pala kayo sa Diyos!" Singit ng bata. "E bakit naman?" patatakang sagot ng nanay. "E… kasi po ang dami ninyong utos!" hehehe…. Me tama nga naman yung bata… Ngunit kung susuriin natin ang Ebanghelyo makikita natin na "mas makapangyarihan pa nga ang mga tao noon sa Diyos!" Ang dami kasing "utos"! Mula sa sampu umabot ng 613 ang tinatawag nilang "precepts of the law", mga umusbong na kautusan mula sa orihinal na 10. Kaya tama rin ang tanong ng Eskriba. Nakakalito nga naman ang mga utos sa dami nito. Ngunit "focus" si Jesus! Alam N’ya ang Batas sapagkat Siya rin ang pinanggalingan nito: "You shall love the Lord your God with all your heart, with all your soul, with all your mind, and with all your strength…" at may idinagdag S’yang kakaiba ng panahon na iyon… "you shall love your neighbor as yourself." Kung papansinin natin ang puso ng kautusan ay pagmamahal… hindi pagbabawal. Ang problema sa mga batas natin ay panay pagbabawal. Bawal tumawid, bawal manigarilyo, bawal umihi sa pader, bawal magnakaw, bawal pumatay, bawal… puro bawal. Isa lang sabi ni Jesus… "magmahal ka!" Kaya tama si San Agustin ng sinabi nyang: "Love and do what you want!" Kapag nagmahal ka, siguradong tama ang pagsunod mo sa batas… hindi ka magkakamali!"