TO LIVE NOT ONLY TO EXIST: Reflection for the month of November 2006 - Tribute to Peter and Paul Mendoza
Umaga ng November 25, 2006… inaantok pa kami habang ang aming coaster na sinasakyan ay payapang bumabaybay sa kahabaan ng South Luzon Expressway upang dumalo ng KOA Brotherhood Day sa Canlubang, Laguna, nakatanggap ang kasama kong teacher ng isang text… may namatay daw na 2 alumni bosconian sa isang tragic car accident. Sinabi sa akin ang pangalan… kahit anim na taon na akong nawala sa Pampanga, agad nag-register sa akin ang mukha ng dalawa. Sino ba naman ang di makakaalala sa mukha ng kambal na Peter and Paul noong sila ay estudyante pa lang sa Don Bosco Academy… tahimik, magalang, mabait at… matalino. Madaling araw daw pauwing Apalit nang ang kanilang sinasakyang CR-V ay bumangga sa isang truck. Mabilis marahil ang kanilang takbo kung susuriin ang pagkabangga ng kanilang sasakyan na halos parang accordion na nayupi ang buong katawan. Nakakalungkot isipin, nakakapanghina ng marinig namin ang balita… may bosconians uling namatay sa aksidente. Tinanong ko ang Diyos kung "bakit?" Katahimikan ang tinanggap kong sagot. Marahil mali ang tanong ko… Tinanong ko uli kung "ano?"… ano ang ibig sabihin ng kanilang pagkamatay? Mayroon S’yang ibinulong sa aking puso: "Duds, hindi mo hawak ang buhay mo. Ako ang may-ari n’yan. Ibinigay ko yan sa ‘yo pero kukunin ko uli sa oras na di mo alam. Hindi ang haba ng buhay mo ang mahalaga… kundi kung paano mo ginamit ang buhay na pinagkaloob ko sa ‘yo!" Peter and Paul were excellent students during my term as Spiritual Moderator of DBA… consistent conduct awardees, academic achievers, good natured students, friends to everybody… in short, bosconians who lived their life to the full! I think this is what life is all about… TO LIVE NOT ONLY TO EXIST! Sabi ni St. Ireneus… the Glory of God is MAN FULLY ALIVE! The twins undoubtedly lived their life to the full… how about me? Thank God for the many chances He’s giving us. Wag nating sayangin ang buhay natin. Pasalamat tayo at buhay pa rin tayo… pero higit sa lahat mabuhay tayo na para sa Kanya. Sabi nga ng isang kanta: "minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito, kaya anuman ang mabuting maaring gawin ko ngayon. O anumang kabutihan ang maari kong ipadama, itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ‘to… Nawa’y wag ko ‘tong ipagpaliban o ipagwalang bahala, sapagkat di na ko muling daraan sa ganitong mga landas…"
November 28th, 2006 at 11:10 pm
condolence to the family of the twins…