ILABAS ANG SWERTE! : Reflection for the Solemnity of the Mary, the Mother of God - January 1, 2007

Bumabaha ng maraming prutas na bilog kapag papalapit na ang bagong taon. Swerte raw kasi yung bilog… magkakapera ka. Uso rin ang kasuotang kulay pula o polkadots… swerte rin daw sabi nila. Maraming nagbukas ng bahay kagabi kahit mausok ang mga paputok… para raw pumasok ang swerte! (Yung iba magnanakaw ang nakakuha ng swerte! hehehe…. Naniniwala ka ba sa mga pamihiing ito? Saan ba nakasasalalay ang swerte natin? Kung titingnan natin ang kapistahang pinagdiriwang ngayon ay malalaman natin kung saan nagmumula ang swerte! Kapistahan ngayon ni Maria bilang "Ina ng Diyos!" Yun ang tunay na swerte! Naging "Ina ng Diyos" si Maria… Ngunit ang kaswertehan niya ay di niya isinaalang-alang sa mga pamahiin subalit sa matapat na pagtupad sa kalooban ng Diyos. Nung siya ay pinili ng Diyos upang maging Kanyang ina ay hindi siya nagdalawang isip na sumunod sa Diyos bagamat hindi niya alam ang plano ng Diyos para sa kanya. Sa pagpasok ng bagong taon… maraming plano ang Diyos para sa atin! Ang swerte natin ay nakasalalay sa matapat na pagsang-ayon sa Kanyang plano. Dasalin natin kasama ni Maria…"Narito ang alipin ng Panginoon… maganap nawa sa kin ayon sa wika mo…" ISANG MAPAYAPANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!
January 13th, 2007 at 5:52 pm
Nirerespeto ko ang bawat taong naniniwala sa mga gantong paniniwala kht noong paman ay ayw ko n tlaga ngunit kung tayo mismo ay na niniwala lng o sumusunod s uso, mas okie pero kng sarili nting pinanggalingang pinniniwalaan ay wla ng pananampalataya. . . goodluck sa atin… Hindi ko sinasabing wag kang maniwala sa mga ginagawa mo kundi’ ay wag mong panampalatayaaan bilang ikasisisra mo bilang isang katoliko. . .