PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for December, 2006


KAPAMILYA KA! : Reflection for the 2nd Day of Christmas Novena Year - C, December 17, 2006

Kapag binabasa ko sa Simbang Gabi ang talaan ng angkan ni Jesus (Genealogy of Jesus) ay sabik akong pagmasdan ang reaksyon ng mga tao.  Sa haba nga naman ng binasa at panay mga pangalang "out-of-this-world" ang kanilang narinig ay asahan mo ng marinig sa kanila ang "Haaay… natapos din!" pag nakarating na sa linya ni Jose na asawa ni Maria. hehehe…  Di ko kayo masisisi! Ngunit kung titingnan natin ay mahalaga ang bahaging ito Banal na Kasulatan kaya isinama ito ni Mateo sa pagsisimula ng kanyang Ebanghelyo.  Ito ang nagpapatunay na si Jesus ay totoong nabuhay sa mundo natin sapagkat mayroon siyang talaan ng kanyang mga naging ninuno. Tunay na ang Diyos ay naging tao at nakipamuhay sa atin. Naging "kapamilya" natin Siya sa laki ng pagmamahal Niya sa atin. Paano ko pinahahalagahan ang pagiging kabilang sa pamilya ng Diyos?  Proud ba ako na ako ay isang Kristiyano o ikinahihiya ko ang aking pananampalataya? 

CHA-CHA TAYO! : Reflection for 3rd Sunday of Advent Year B, December 17, 2006

May isang teacher na nagbigay ng jigzaw puzzle sa kanyang mga estudyante upang buuin. "Ang unang matatapos… exempted sa periodical exam." May kahirapan ang jigzaw puzzle dahil ito ay larawan ng mapa ng mundo at wala pang alam ang mga bata sa geography.  Laking pagkagulat niya na pagkatapos ng limang minuto ay may batang nagtaas ng kamay at ipinakita sa kanya ang nabuong puzzle.  "Pano mo ito nagawa ng mabilis?" tanong ng guro. "Simple lang po, alam po ninyo napansin ko na sa likod ng pira-pirasong papel ay parang may image ng tao.  Yun po ang aking binuo at lumabas na lamang itong mapa sa likod!" sagot ng bata.  Tama nga naman, i-solve mo muna ang problema tao at masosolve na rin ang problema ng mundo. Ito ang sinabi ni Juan Bautista sa Ebanghelyo sa mga nais na magbago: share with the person who has none, do not practice extortion, stop illegal collecitions… lahat ay pagtatanggal ng masamang pag-uugali at paggawa ng mabuti.  Marahil maganda itong paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko.  Tingnan natin ang ating mga sarili kung ano ba ang dapat nating baguhin at pagbutihin.  Sabi nga ng mga obispo: CHA-CHA ang kailangan natin.  Not charter-change but CHARACTER CHANGE!

MISA DE GALLO : Reflection for the 1st Day of Christmas Novena, Year C - December 16, 2006

Cat1036
Misa de Gallo na naman!
Mag-uusukan na naman ang putobumbong at bibingka sa labas ng Simbahan.  Makikita na naman natin ang naggagaraang jackets at sweaters na marahil ay sinusuot lang sa ganitong uri ng panahon (kahit na mainit! hehehe).  Maririnig na naman natin ang mga Christmas Carols sa loob ng Simbahan… malapit na talaga ang  Pasko!   Sakripisyong malaki ito para sa mga gigising ng maaga!  Sakripisyo rin para sa mga dadalo sa misa ng gabi… sapagkat mamimiss nila ang mga telenovela at tele-fantasyang kanilang sinusundan sa TV! Ito naman talaga ang kakaiba sa  Simbang gabi… malaki ang sakripisyo!  At tama lang sapagkat malaki rin ang sakripisyong inialay ng Diyos para atin… ang Kanyang bugtong na Anak!  Ito ang sinasabi ni Jesus sa Ebanghelyo para sa unang araw ng Simbang Gabi: na Siya ang tunay na isinugo ng Ama! "The works that I perform testify on my behalf that the Father has sent me…"  Malinaw ang mensahe sa unang araw pa lamang ng ating siyam na araw ng Simbang Gabi:  Manalig tayo sa patotoo ni Jesus! Na Siya ang isinugong Mesiyas!  Sana hindi lang mauwi sa ritwal na pagdiriwang ang darating pang mga araw ng Simbang Gabi.  Sana hindi lang pakitang-tao ang ating pagsisimba.  Sana hindi lang upang ibida ang ating kasuotan.  Sana hindi lang upang makasabay ang ating "crush" sa simbahan… Sana… sapagkat nananalig tayong tunay sa bugtong na Anak ng Diyos na isinugo ng Ama sa atin dahil sa laki ng kanyang pagmamahal sa tao….

PREPARE THE WAY: Reflection for the 2nd Sunday of Advent - C, December 10, 2006

Drive_thru_trees
Marahil kung nabubuhay lamang ngayon si St. John the Baptist ay mahusay siyang kandidato para sa posisyong "Secretary ng DPWH"!  (Department of Public Works and Highways).  Maganda ang kanyag programa na hinango niya mula kay Propeta Isaias: "Prepare the way of the Lord!  Make straight his paths… tutuwirin ang daang liku-liko, papatagin ang daang bako-bako." Ang sarap magdrive sa NLEX kasi walang baku-bakong daan.  Madali kang makapupunta sa iyong paroroonan kasi walang hassel sa pagdridrive!  Wag ka lang maglalagi sa gawing kaliwa kasi pang-overtake lang dapat yun! hehe…  Ang buhay kristiyano ay isang paglalakbay.  Mas sigurado tayong makararating sa ating pupuntahan kung ang daan ay maganda at diretso.  Kaya nga ang panawagan ng Adbiyento ay "Repent!"  Magbalik-loob ka sapagkat malapit na ang paghahari ng Diyos. Marami tayong liku-liko at baku-bakong pamumuhay na dapat ayusin.  Masasamang pag-uugali, bad-habits, vices na marahil pinababayaan natin sa pag-iisip na di naman tayo ganun kasamang tao. Ngunit sabi nga natin mas madali tayong makararating sa Kanya kung diretso at maayos ang daan.  Let us heed the call of advent to "repent and prepare the way of the Lord!"

SA DIYOS.. POSIBLE 2 : Reflection for the 10th year Anniversary of My Priestly Ordination - Decembe 7, 2006

P1010175
Ten years… a decade of journeying with God in the priestly ministry is no joke!  Puede pala… posible pala! As I reflect on my life as a priest i find myself more humiliated… yup… nakapangliliit.  To see your inadequacies in front of a faithful and loving God. Indeed God is good… God is faithful... all the time!  There are times in my life that i’m beset by myP5050085 sinfulness and keep on asking God if i’m still worthy of this call… only to realize that i am asking the wrong question. I just have to trust Him and surrender my life… even my sins if i want to follow him till the end.  I would like to share to you my "oblation prayer" that I wrote 10 years ago few days before my ordination:
"Lord, my God,  Your goodness is infinite!  You chose and called me despite my unworthiness.  You loved me and cared for me despite my weakness and brokenness. For many years You journeyed with me.  It was a journey full of love, compassion and understanding.  Yet how many times I let theses acts of love passed by unnoticed.  I think, I can never claim even a single moment that I sincerely said: "I love you…"  And here You are again… giving me the gift of priesthood - a mystrious expression of your infinite love!  There is only one thing I desire, O Lord and for this I long… to love you with my whole heart and that when I become a priest I may never cease to love you till the end. Amen!

Please pray for me… I always believe na SA LAKAS NG DIYOS… POSIBLE!

SA LAKAS NG DIYOS.. POSIBLE! Reflection for the Solemnity of the Immaculate Conception - Decembe 8, 2006

Copy_of_murillo1_particolareSa lakas ng "Diyos"… posible! Ito lang marahil ang pinakamagandang sagot sa katanungan kung papaanong ipinaglihi si Maria na walang bahid na kasalanan.  Sa latin mas maganda ang tunog… "Potuit, decuit, ergo… fecit!"  Kaya Niya (Diyos), ginusto Niya… kaya… ginawa Niya!" Sapagkat si Maria ang hinirang ng Diyos upang Kanyang maging Ina, minarapat Niyang biyayaan si Maria ng natatanging biyaya na ipaglihing walang kasalanan.  Kaya nga ang bati sa kanya ng anghel… "Hail Mary!  Full of grace!" Ano ba ang sinasabi sa akin ng kapistahang ito?  We are all strugling towards perfection.  Sabi nga ng kanta: "Gusto kong bumait pero di ko magawa!"  May mali ata sa lyrics!  Sapagkat kung gusto kong bumait… kaya ko! Sapagkat wala naman sa akin ang kapangyarihan para magpakabuti… ito ay nasa Diyos! Ito ay Kanyang Biyaya… kaya nga sa lakas ng Diyos… POSIBLE!  Pinatunayan Niya ito kay Maria… kaya rin niya itong patunayan sa atin.  Pero walang magagawa ang Diyos kung hindi natin isusuko ang ating kahinaan sa Kanya. Gayahin natin ang Mahal na Birhen sa pag-aalay ng kanyang sarili… "Lord, let it be done to me according to your word…"

LOVING WAITING: Reflection for the 1st Sunday of Advent, Year C - December 3, 2006

Hiker
Happy New Year!
Yes… it is new year for us Christians as we start today a new liturgical season as we celebrate the first Sunday of Advent!  Advent has a two-fold character:  as a  season where we prepare for Christmas, Christ’s first coming, and as a season when our mind and heart await Christ’s second coming at the end of time!  Advent therefore is period of devout and joyful expectation!  "Masayang paghihintay!" Naghihintay tayo kasi mayroong darating!  Come to think of it… in life we always wait.  Lagi tayong naghihintay. Lagi tayong may hinihintay.  We wait almost anywhere… sa Simbahan, sa terminal ng bus, sa shopping malls, sa bahay… We wait almost for anyone… sa asawa mong galing abroad, sa anak mong pauwi na galing school, sa paring magmimisa na laging late…  Kadalasan nakakapagod maghintay. Pero gagawin at gagawin mo ito lalo na’t mahal mo ang hinihintay mo.  I think, this is what Advent is all about: We wait because we value what and whom we wait for… The Lord is coming… we are sure of this!  In fact the Gospel today speaks of signs accompanying the coming again of the Lord. We prepare for his coming because we love him not because we fear him. Gusto ng Diyos natin na mahalin siya at hindi katakutan. Kaya nga sa ating paghihintay subukan nating magmahal… magmahal sa Kanya sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa. St. John of the cross once said: "At the evening of life, we shall be judged on love."  Kailan ka huling nagpakita ng pagmamahal sa iyong kapwa?