ORDINARYO: Reflection for the 4th Sunday in Ordinary Time Year C - January 28, 2007

May joke sa text: "Isang barko ang lumubog… nalunod lahat ang pasehero maliban sa isang ita. Dumating ang isang pating. Sabi ng ita sa pating: ‘Pating… pating… kainin mo na ako!" Sagot ng pating: "Huwag mo kong linlangin… isa kang pusit!" hehehe… Napakasaklap naman sa ita na maging pating ay nirereject sya! Masakit mareject ng iba… lalo na ng mga kakilala at kaibigan mo. Bakit? Kasi kung meron mang dapat na full support sa yo ay yung mga kakilala mo! Pero hindi ganito ang naranasan ni Jesus. Hindi sya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Masyado kasi syang ordinaryo sa kanila. Kung minsan, hindi natin namamalayan… ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa ordinaryo… sa ordinaryong mga pangyayari sa buhay, sa mga ordinaryong tao… Wag nating hanapin ang Diyos sa "himala" sapagkat di natin S’ya dun matatagpuan. Hanapin mo ang Diyos sa mga taong araw-araw mong nakikita. Hanapin mo ang Diyos sa mga karaniwang ginagawa mo araw-araw… Ang Diyos nagsasalita sa atin sa ordinaryo…


