ISIP BATA (uli!) : Reflection for the Feast of Sto. Nino - January 21, 2007

Isa sa mga debosyong napamahal sa akin ang Sto. Nino. Sa
katunayan, hanggang ngayon ay memorized ko pa ang kanta ni Sharon Cuneta na
alay sa batang sanggol: "Santo Nino, Santo Nino, natupad na rin
ang aking hinihiling sa ‘yo…" kung di mo masabayan e tanungin mo ang
nanay mo at baka alam niya! hehehe… Kung ating titingnan ay talaga
namang napakapopular nating makikita ito sa ating pang-araw-araw na buhay
bilang Pilipino. Karaniwan ng
makikita ang imahe ng Sto. Nino sa mga jeep katabi ang sticker na "God
knows HUDAS not pay!". Karaniwan siyang makikita sa tindahan na
nakadamit na berde o pula at may katabing "pusa na gumagalaw ang
kamay". Karaniwang siyang makikita sa tahanan na katabi ang isang
sexy poster ng Tanduay!hehehe… nakakatuwa! Parang tayong mga bata… ISIP
BATA sa ating pananampalataya. Siguro dapat nating isipin na
si Jesus ay hindi nanatiling bata. Siya ay lumaki. Gayun din dapat
sa ating pananampalataya… dapat lumago… dapat lumalim. Hindi
doble-kara, hindi balimbing, hindi malamig, hindi teka-teka kundi isang
pananampalatayang tunay na nakaugat kay Kristo at sa Kanyang Salita. Isip
bata ka pa ba sa pananampalataya mo?