SA ABO NAGMULA: Reflection for Ash Wednesday - February 21, 2007

"Nagmula sa lupa… magbabalik na kusa… ang buhay mong sa lupa nagmula…" Sounds familiar? Korek! Kanta yan ni Rico J. pero meron pang mas pamilyar na paalala sa akin yan… "Tandaan mo tao na sa alabok ka nagmula at sa alabok ka rin babalik…" Karaniwan nating naririnig ito kapag sumasapit ang Miyerkules ng Abo. Ang pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo ang naghuhudyat sa pagsapit ng panahon ng Kuwaresma… ang apatnapung araw ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ni Kristo. Araw ngayon ng pag-aayuno at abstinensya na kung saan ay gumagawa tayo ng mga sakripisyo upang makiisa sa paghihirap ni Jesus at gawing banal ang panahong ito. Tatlong paraan ang minumungkahi ng Simbahan: Una, palalimin ang ating buhay-panalangin. Baka sa sobrang abala natin sa buhay ay nakakalimutan na natin ang May-akda ng buhay. Pangalawa ay ang paggawa ng mga mga sakripisyo o "penances"; kasama na rito ang pag-aayuno… upang madisiplina natin ang ating katawan at masupil ang pita ng laman. Pangatlo ay ang kawanggawa sa kapwa… upang mabawasan ang ating pagiging makasarili at maisapuso natin ang pagtulong sa mga nangangailangan. Kapag nilagyan ka ng abo sa noo alalahanin mo ang tatlong gawaing ito. Ang ating buhay, bagamat abo, ay magkakaroon ng kahulugan kung iaalay natin sa Diyos…
February 20th, 2007 at 9:45 pm
thank God I got a chance to attend an early mass here in sacred heart church. Its my first time to attend the ash wed mass here, the mass was really solemn and u’ll really have time to reflect. anyway,na-struck lang po ako dun sa 3points na cnabi nyo po. kasi naicip ko lang ngayong lent na magfast. gaya ng sinabi nyo na kailangn din palalimin ang pagdarasal at pagtulong sa kapwa. i think this is the best time for me to really have and start those form of sacrifices not only this lent pero but till the end of my existence.
thanks for that inspiration among. God bless po!