HOSANNA! : Reflection for Palm / Passion Sunday Year C - April 1, 2007

Araw ngayon ng Palaspas o Palm Sunday. Buhay na naman ang industriya ng paggawa ng dekoratibong palaspas na kalimitan ay nagiging dekorasyon na lang sa bahay! Sa iba, ito raw ang kanilang panangga sa mga masamang espiritu at aswang upang hindi pasukin ang kanilang bahay. Sa iba naman… lucky charm ang palaspas, nagdadala ng suwerte sa buhay… walang pinagkaiba sa estatwang pusang ginto na kumakaway… hehehe. Marahil dapat na nating itama ang mala-pamahiin na paniniwalang ito. Ginamit ang palaspas (na noon ay mga dahon ng olibo) sa pagsalabong kay Jesus noong sya ay pumasok ng Jerusalem habang sumisigaw sila ng "Hosanna sa Anak ni David!" Isang maringal na pagsalubong na mauuwi sa paghahatol kay Jesus ng kamatayan at mapapalitan ng sigaw na "Ipako siya sa Krus!" Isang magandang paalala sa ating lahat sa ating pagpapatotoo bilang Kristiyano. Kung minsan "ningas-kugon" ang ating pagtanggap kay Jesus. Nakikisaya tayo sa kanya kapag "maganda" ang takbo ng ating buhay… ang dali magsabi ng "Hosanna!" Ngunit kapag medyo naging "pangit" ang takbo nito ay madali nating hinuhusgahan ang Diyos! Kalimitan nating naririnig: "Nagdadasal naman ako… nagsisimba naman ako… di naman ako nakakalimot sa Kanya… pero bakit Niya kami pinabayaan? " Tandaan natin na ang ating Diyos ay di lang Diyos ng kaginhawaan ngunit Siya rin ay Diyos ng kahirapan. Ang daang pinili Niya ay ang daan ng krus… kaya’t wag tayong magugulat kung dumarating sa ating buhay ang paghihirap…. sana makasigaw pa rin tayo ng "Hosanna!" at hindi parating "Ipako Siya sa Krus!" Sa pagpasok ng "Holy Week" salubungin natin ang Panginoon ng may malinis at mapagpasalamat na puso. (for additional reflection read the blog of April 9, 2006 "Mahal o Banal na Araw?")
April 2nd, 2007 at 8:23 am
it is good that we all know now what is the meaning of HOSANNA, i thank God that father duds has a blogs account, even that i’m here in other country i have time to reflect in his weekly reflection, especially this holy week, he touch my heart in his reflection,i miss serving God the way how i serve in the church and serving the youth ministry.