NALAGLAG SA TULAY: Reflection for the Third Sunday of Lent, Year C - March 11, 2007
"
Ang ‘Barrio Sirang Tulay’ ay kilala sa mga taong ang kasalanan ay "adultery". Ang matandang paring naassign doon ay mayroon ng kasunduan sa mga tao na kapag ikukumpisal nila ang ganitong kasalanan ay sabihin na lamang na sila ay nalaglag sa tulay at alam na n’ya yon. Sa kasamaang palad ay napalitan ang pari at agad sumabak sa pagpapakumpisal ang pumalit. Tulad ng inaasahan ang kanyang narinig ay: "Padre, patawarin mo po ako at ako ay nalaglag sa tulay!" Di makapaniwala ang pari na marami ang nalalaglag sa tulay. Hanggang sa ang asawa ng baranggay captain ang nagkumpisal at nagsabing siya rin daw ay nalaglag sa tulay. Agad-agad siyang sumugod sa baranggay hall na kung saan ay nagmemeeting ang konseho. "Kapitan, wala ka bang magagawa sa tulay natin? And daming nalalaglag! Nagtawanan ang lahat pati ang kapitan. Galit na sinabi ng pari: "Hoy kapitan, wag kang tumawa… ang asawa mo… nalaglag rin sa tulay!" hehehe… Marami tayong tulay na kinalalaglagan: mga kasalanang paulit-ulit, masamang pag-uugali, bisyo… etc. Ang "Good News" maari pa tayong umahon sa ating pagkakalaglag. Ang Diyos laging may second chance… third… fourth… fifth… Hindi siya nagsasawa at bumibigay sa ating kahinaan. Para tayong puno ng igos sa Ebanghelyo, walang bunga… ngunit ang Panginoon ay nagtityaga sa atin. Inaalagaan niya tayo upang makapamunga. Sa ating pagbabago tandaan natin na may Diyos na tapat sa atin. "Be patient for God is patient with you!"