SIMPLE LANG (2) : Reposted Reflection for Holy Thursday (Mass of the Lord’s Supper) - April 5, 2007

Bata pa lang ako ay tinuruan na akong maghugas ng kamay ng aking
magulang bago kumain. Tinuruan akong sabunin ang aking mga kamay, sa
palad, sa pagitan ng mga daliri, paikut-ikutin pa… (parang commercial
ng safeguard eh! hehehe) Pero di ata ako tinuruan na maghugas ng paa
bago kumain! Parang weird yun! hehe… Bago ganapin ni Hesus ang
"huling hapunan" ay iniutos ito ni Hesus sa kanyang mga alagad! Ang
mas weirdo… si Hesus mismo ang naghugas sa paa ng kanyang mga
alagad. Haller…! Si Hesus ang bigboss nila no? Bakit siya ang
naghugas? May nais paratingin sa atin ang Panginoon… nais mong
maging leader?… matuto kang maglingkod! Nais mong maging dakila?…
Matuto kang magpakumbaba! Napakaganda na ibinigay ito ni Hesus sa
kontexto ng Eukaristiya… Ano ba ang Eukaristiya…? Simple lang,
tinapay na walang halaga na inialay, binasbasan, pinaghati-hati at
ibinigay sa mga alagad… Ngunit tinapay din na naging katawan ni
Kristo, pagkain ng ating kaluluwa, at dahilan ng ating kaligtasan!