PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for April, 2007


ANG MABUTING PASTOL : Reflection for the 4th Sunday of Easter, Year C - April 29, 2007

Bib1072
I
sang pulitiko na kilala sa "pangungurap" (corruption) ang minsang nagdasal sa Simbahan.  Sa harap ng isang malaking crucifix ay sinabi niya " Lord, maraming salamat sa mga pagpapalang patuloy na ibinibigay mo sa akin.  I have just closed a multi-million peso deal, matatapos na rin ang rest house na pinapagawa ko sa Baguio.  Bukas darating ang bago kong luxury car… maraming salamat Panginoon…" Nang bigla na lamang siyang nakarinig ng isang tinig: "Oo, magpasalamat ka…"  Tumingala siya at sumagot: "Panginoon, anung ibig sabihin mong dapat magpasalamat ako?"  Sagot sa kanya ng tinig: "Dapat kang magpasalamat at nakapako ang mga kamay ko.  Kung hindi ay nasapak na kita!" hehehe… Ang Panginoon ay peacemaker, ngunit sa kabila nito ay nakuha niyang tuligsain ang kanyang mga kaaway… ang mga pinuno ng kanilang relihiyon nung panahong iyon sapagkat hindi sila kinakikitaan ng isang pagiging  "mabuting pastol".  Kaya nga ang Diyos na mismong nagsabi na Siya na ang magpapastol sa kanyang  kawan: "I will be  their shepherd."  At si Jesus na rin ang nagsabing "I am the Good Shepherd… I know my sheep and they follow me…"  Matapat na sumusunod ang mga tupa sapagkat matapat ang namumuno.  Sa tuwing sasapit ang eleksiyon ay lagi na lamang nating tinatanong kung sino ang dapat nating iboto.  Bagamat ang Simbahan ay hindi nagbibigay ng direktang pangalan, hindi naman Siya nagkukulang sa pagbibigay ng pamantayan sa pagpili ng isang mabuting kandidato.  Ang kanyang pamaantayan: dapat ay katulad ni Jesus na Mabuting Pastol. Tatlong katangian ang maibibigay natin: Una ay katapatan, ibig sabihin ay may paninindigan sa katotohanan.  Katulad ni Jesus na nanindigan hanggang kamatayan.  Ikalawa, pagsasaalang-alang sa Diyos.  ibig sabihin ay may takot sa Kanya. Ang kagustuhan ng Diyos ang kanyang pinapairal.  At pangatlo ay may pagmamalasakit.  Hindi ang pansariling kapakanan ang inuuna. Handang kalimutan ang kanyang sarili para  sa kapakakanan ng  nakararami.  Ito ang ginawa ni Jesus sa pag-aalay ng kanyang buhay. Sana wakasan na natin ang "trapo" at simulan natin ang pagpili ng isang lider na kinakikitaan ng larawan ng isang pagiging "mabuting pastol…"

MAHAL MO BA AKO? : Reflection for the 3rd Sunday of Easter, Year C - April 22, 2007

Bib1059
"Isang hari na mahal na mahal ng kanyang mga nasasakupan ang nangailangan ng isang heart transplant.  Sapagkat malubha ang kanyang karamdaman kaya’t napiltang ipatawag ang lahat ng nasasakupan ng kanyang kaharian.  "Sino sa inyo ang nais mag-alay ng kanyang ‘puso’ sa mahal na hari?  Nangangailangan siya ng heart transplant."  Nagtaasan ang maraming kamay upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa hari. "Sapagkat marami ang nagvolunteer, ibabagsak ko ang pakpak ng ibon na ito.  Ang sino mang tamaan nito ang siyang mag-aalay ng kanyang puso para sa hari!"  Ibinagsak ang pakpak ng ibon at ng papalapit na sa ulunan ng mga tao ay narinig ang "phew!… phew!… phew!  Kanya-kanyang ihip sa ang mga tao wag lamang tamaan ng pakpak ng ibon!
Karaniwang madali ang magsabi ng "mahal kita" o "naniniwala ako" sa yo ngunit mahirap ang isabuhay ito lalo na’t nangangailangan ito ng sakripisyo.  Ito rin ang naging karanasan ni Pedro nung nagsabi syang handa nyang isakripisyo ang kanyang buhay para kay Jesus.  Ngunit ng hiningi na ng pagkakataon ang pagpapahayag ng kanyang pagmamahal ay tatlong ulit n’yang itinatwa si Jesus.  Kaya marahil tatlong ulit ding tinanong ni Jesus si Pedro kung mahal ba siya nito.  Tatlong ulit ding sumagot si Pedro ng "Oo, Panginoon… alam mong mahal kita!"  Ibang Pedro na ang sumagot kay Jesus.  Isang alagad na naniwala na si Jesus ay muling nabuhay at dahil dito naipahayag niya ang kanyang pagmamahal at katapatan. "Pakanin mo ang aking mga tupa!"  ang sabi ni Jesus bilang sagot niya kay Pedro.  Ito rin ang tanong sa atin ni Jesus: "Mahal mo ba ako?"  "Kung talagang mahal mo ako pakanin mo ang aking mga tupa!" Ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay dapat magtulak sa atin na mahalin din ang ating kapwa. Ito ang "sakripisyonga" hinihingi ng kanyang pagmamahal.  Lalo na kung ang mamahalin natin ay ang ating mga kaaway…mga taong may sama tayo ng loob… "Mahal mo ba ako?" 

THE ART OF LETTING GO! : Reflection for the 2nd Sunday of Easter, Year C - April 15, 2007

Bib1003 May isang kanta na ang title ay "The Art of Letting Go".  Totoo nga, "letting go" is an art.  Mahirap s’yang matutunan.  Sabi ng isa kong katext… "Father bakit hindi ko ma "let go" ang boyfriend ko.  Isang taon na kaming magkahiwalay pero nasa alaala ko pa rin sya."  That is the reality of life.  You just have to learn how to let go… May isang nanay na bigat na bigat ang damdamin sa pag-alis ng kanyang anak na mag-aaral sa Manila.  Hindi n’ya alam kung anung gagawin para maipadama sa anak ang kanyang pagmamahal.  "Alam ko na!" sabi niya, "Ipagluluto ko s’ya ng paborito niyang sinigang"  at habang sila ay nasa mesa at walang imikan, tinikman ng bata yung sinigang, napatingin sa picture frame nilang magnanay, sabat titig sa ina at ang sabi "Inay… sana ulitin natin ito…" hehehe…  Commercial po yun sa TV ng Knorr! Ganito rin ang pakiramdam ng mga alagad pagkatapos mawala si Jesus sa kanilang piling.  Kayat anung ligaya nila nang ang Panginoon ay magpakita sa kanila. Ang bati ni Jesus ay "Sumainyo ang kapayapaan!" Sa sandaling iyon ay nawala ang lungkot ng mga alagad. Nagbalik ang kanilang kaligayahan.  Nawala ang kanilang pangamba, takot at pag-aalinlangan.  Ang mga dating alagad na puno ng takot, lungkot at pangamba ay naging masasaya, malakas ang loob at matatapang na tagasunodni Jesus.  Ito ang dapat na dulot ng muling pagkabuhay ni Jesus sa atin.  Kapayapaan, kaligayahan, lakas ng loob, malakas na pananalig.  Faith is "letting go" of our old and weak selves and "letting God" control our life! Letting go is an art… live it! 

SA DILIM AY MAY LIWANAG : Reflection for Easter Sunday Year C - April 8, 2007

Cat1025_1
HAPPY EASTER! 

Araw ngayon kaliwanagan… napawi na ang dilim ng kamatayan!  May dalawang magkaibigan, si haring liwanag at si haring dilim.  Lungkot na lungkot si dilim sa kanyang kaharian kaya isang araw ay tinext nya si liwanag: "Hi!" Sagot si liwanag: "Hu u?"  Sagot ni dilim: "4get me na alredy? I’m ur fren… darky!" at me sumunod pang text, "me lonely hir. wanna visit me?"  Sagot ni liwanag:" "sure!Ktatkits!"  At bumisita si haring liwanag kay haring dilim. Ngunit pagdating sa kaharian ni haring dilim ay wala syang makita.  "Wer u na? D2 na me!" Sagot si dilim:  "Her me na sa harap mo… can’t u see me?"  Sa totoo lang walang makikitang dilim si liwanag sapagkat nabalot na ng kanyang kaliwanagan ang kadiliman…  Ang Muling pagkabuhay ni Kristo ang liwanag na sumakop sa kadiliman. Hindi nagtapos sa kamatayan ang buhay ni Jesus… S’ya ay Muling Nabuhay!  Hindi inaasahan ng mga alagad ang mangyayari pagkatapos ng kanyang kamatayan kaya nga’t ang hinila nila ay ninakaw ang kanyang katawan ng di nila ito matagpuan sa libingan.  Ngunit naguluhan ang kanilang pag-iiisip na makitang iniwang nakaayos ang mga kayong lino na kanyang kasuotan. Hindi ito gawain ng magnanakaw.  Nasaan na si Jesus?  Si Jesus ay wala na sa libingan.  Si Jesus ay wala na sa kadiliman ng kamatayan.  Ang libingang walang laman ay nagpapaalala sa atin na siya ay buhay!  Si Jesus ay muling nabuhay upang hanguin din tayo sa dilim ng kamatayan ng ating mga kasalanan. Magalak ka!  Niligtas ka na ng Diyos! Tinubos ka na ng kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli… magpupumilit ka pa rin ba sa masasama mong hilig at pag-uugali?  Magtitiis ka pa rin ba sa kadiliman?  Tayo na sa liwanag!