THE ART OF LETTING GO! : Reflection for the 2nd Sunday of Easter, Year C - April 15, 2007
May isang kanta na ang title ay "The Art of Letting Go". Totoo nga, "letting go" is an art. Mahirap s’yang matutunan. Sabi ng isa kong katext… "Father bakit hindi ko ma "let go" ang boyfriend ko. Isang taon na kaming magkahiwalay pero nasa alaala ko pa rin sya." That is the reality of life. You just have to learn how to let go… May isang nanay na bigat na bigat ang damdamin sa pag-alis ng kanyang anak na mag-aaral sa Manila. Hindi n’ya alam kung anung gagawin para maipadama sa anak ang kanyang pagmamahal. "Alam ko na!" sabi niya, "Ipagluluto ko s’ya ng paborito niyang sinigang" at habang sila ay nasa mesa at walang imikan, tinikman ng bata yung sinigang, napatingin sa picture frame nilang magnanay, sabat titig sa ina at ang sabi "Inay… sana ulitin natin ito…" hehehe… Commercial po yun sa TV ng Knorr! Ganito rin ang pakiramdam ng mga alagad pagkatapos mawala si Jesus sa kanilang piling. Kayat anung ligaya nila nang ang Panginoon ay magpakita sa kanila. Ang bati ni Jesus ay "Sumainyo ang kapayapaan!" Sa sandaling iyon ay nawala ang lungkot ng mga alagad. Nagbalik ang kanilang kaligayahan. Nawala ang kanilang pangamba, takot at pag-aalinlangan. Ang mga dating alagad na puno ng takot, lungkot at pangamba ay naging masasaya, malakas ang loob at matatapang na tagasunodni Jesus. Ito ang dapat na dulot ng muling pagkabuhay ni Jesus sa atin. Kapayapaan, kaligayahan, lakas ng loob, malakas na pananalig. Faith is "letting go" of our old and weak selves and "letting God" control our life! Letting go is an art… live it!
May 3rd, 2007 at 4:20 am
fr.. kelan kya kau mapaplipat sa cathedral? heheheheh…