PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for May, 2007


DIYOS NA 3 in 1 : Reflection for the Solemnity of the Most Holy Trinity, Year C - June 3, 2007

Cat1085
I am a cofee lover!  Grabe! Hindi ako makakatulog sa gabi pag hindi ako uminom ng kape.  Marami na rin akong kapeng natikman… from brewed o barakong  kape ng batanggas to fraps o fancy cofee ng starbucks.  Natikman ko pa nga ang exotic na "kape alamid".  Special daw ang kapeng ito na ang
beans ay galing sa "shit ng Alamid" hehehe! 
Talagang mapapa… (sorry for
the word) SHIT ka pag nainom mo ito!  PhP 170 ba naman sa isang maliit na
expresso cofee! hehehe… sabi ko sa sarili ko… dun na lang ako sa aking 3 in
1 na Nescafe!
Tubig lang na mainit ang kelangan mo… enjoy ka na!
Sometimes we make life so complicated… e simple lang naman ang buhay…  Parang Diyos… we make
Him too complicated in our minds.
  We want to understand him using our
limited intelligence… only to find out that God is not meant to be  understood by the
mind but by the heart
Ang mga
taong marunong lang magmahal ang nakakaunawa sa Diyos!
 
Ako… kuntento na sa aking Diyos na 3 in 1… Ang Diyos Ama na
nagbigay sa akin ng Kanyang Anak at patuloy na gumagabay sa akin sa pamamagitan
ng Espiritu Santo. 
Di
ko man S’ya lubos na maintindihan (bakit 3 in 1?)  alam ko namang mahal
N’ya ako at nais Niyang mahalin ko rin Siya… more than understand Him, He
wants me to love Him.
Everytime I take a sip
of cofee… kape Alamid man o simpleng Nescafe,  it always reminds me of my
God… 3 in 1… Three Persons in One God who loved me unconditionally… to
the max!

ANG ESPIRITUNG BANTAY : Reflection for the Solemnity of Pentecost, Year C - May 27, 2007

Bib1061
Isang bata na may
bagong mountain bike ang nagpark sa isang Simbahan at hinanap ang Parish
Priest.  Nang makita ito ay magalang na nagpakilala at nagsabi: "Father,
puwede ko po bang ipark dito ang bike ko… kasi po baka mawala. Bagong-bago pa
naman yan!"  "Sige, anak"
sagot ng pari, "magtiwala
ka na walang mangyayaring masama sa bike mo." "Sure po ba kayo
Father?"
nagdududang tanong ng bata.  Huminga ng malalim ang pari
at sinabi: "Sigurado ako!  Babantayan yan ng Holy Spirit kaya’t
walang magnanakaw niyan! Kung gusto mo magdasal tayo…"  "Sige
po Father…  In the name of the Father, and of the Son.
Amen!" Singit ng pari: "Teka me kulang
ata sa dasal mo… bakit wala ang Holy Spirit?"
 
Sagot ng bata: "Wag
na nating abalahin Father, binabantayan niya ngayon ang bike ko!"

Totoo nga naman, ang Espiritu Santo ang
nagbabantay sa Simbahan simula pa lamang ng ito ay itinatag.
  Sa
katunayan ngayon ay "birthday" ng Simbahan!  Ipinanganak
ang Simbahan sa pagpanaog ng Espiritu Santo at ito ang patuloy na gumagabay sa
kanya.
  Nadarama mo ba ang paggabay ng Espiritu Santo sa iyong
buhay?  Tinanggap mo ito nung ikaw ay bininyagan at kinumpilan. May epekto
ba S’ya sa buhay mo ngayon?  Kung nanlalamig ka ngayon sa pananampalataya,
hingin mo ang tulong Niya. Kung paanong walang matigas na tinapay sa mainit na
kape, walang ring matigas na puso ang di kayang palambutin ng mainit Niyang
pagmamahal.  "Come, Holy Spirit fill the hearts
of your faithful and kindle in them the fire of your love…"

MARIA TULONG NG MGA KRISTIYANO: Reflection for the Feast of Mary Help of Christians - May 24, 2007

M2029

Mayroong
isang kuwento na minsan daw sa langit ay naglalakad ang Panginoong Hesus at nakakita
siya ng mga di kilalang kaluluwa na gumagala sa Kanyang kaharian.  Agad
niyang tinawag si San Pedro upang tanungin kung sino ang mga bagong
"migrants" na iyon.  Walang masabi si San Pedro kaya’t
katakot-takot na sermon ang inabot niya sa Panginoon.  "HIndi ba sabi
ko na sa iyong isarado mong mabuti ang pinto upang walang makakapasok dito na
hindi natin nalalaman?" Sabi ni Hesus.  Tugon ni San Pedro:
"Sinasarado ko naman po… kaya lang ang nanay ninyo binubuksan naman ang
bintana at doon ipinupuslit ang mga migranteng ito!" hehehe…
Marahil
isang kuwento lamang ngunit kapupulutan natin ng aral tungkol sa ating Mahal na
Birhen. Tunay ngang siya ay "tulong ng mga Kristiyano" o
"Help of Christians".
  Ang kasaysayan ang ating patunay na
si Maria ay laging tumutugon sa pangangailanan ng Simbahan.  October 7,
1571
ng magapi ng mga mandirigmang Kristiyano ang mga turko sa
malamilagrong "Battle of Lepanto.  May 24, 1814 ng nakalaya si
Pope Pius VII sa pagkakabihag ni Napoleon at nawala ang pagtatangkang sirain
ang Simbahan.  Noong panahon ni Don Bosco (1815-1888) ay talamak at
hayagan ang pagbatikos sa Simbahan ng mga "Anti-clericals". Lahat ng pagsubok na yan ay nalagpasan ng
Simbahan sa pamamagitan ng pamimintuho at debosyon sa kanya. 
Kaya
nga’t hindi nagdalawang isip si Don Bosco upang kunin siyang patron ng kanyang
gawain. Hanggang ngayon ay patuloy ang paggawa ni Maria ng himala at
namamagitan siya sa pangangailangan ng Simbahan. 
Marami pa rin ang sumisira at tumutuligsa sa ating
pananampalataya. 
Hingin natin ang makapangyarihang pamamagitan (intercession) ni
Maria… ang Tulong ng mga Kristiyano!

Tapos na ba ang Eleksyon? : Reflection for the Feast of the Ascencion Year C - May 20, 2007

Bib1046
Natapos na ang eleksyon.  Natapos na rin ang ating pagpili sa ating mga pinuno.  Natapos na rin ba ating obligasyon bilang mamamayan ng ating lipunan?  Ang sagot ay malaking "HINDI!"  Sinubaybayan ko ang takbo ng eleksyon.  Wala namang gaanong pagbabago sa mga nangyari na dati.   Naroon pa rin ang  pagkakagulo (hindi mahanap ang pangalan sa listahan).  Naroon pa rin ang karahasan sa ibang lugar (may mga buhay pa ring nasawi).  Naroon pa rin ang pandaraya (maririnig mo pa rin ang pambibili ng boto).  Naroon pa rin ang pagnanais na manalo kahit na gumamit ng paraang nakakasira sa kapwa!  Parang walang nagbago!  Ngunit hindi lahat ay "ganun na lang."  Sa lalawigan ng Pampanga ay may kakaibang nangyari.  Isang himala sabi ng isang pahayagan.  Isang "phenomenal event" sabi ng isang komentarista.  Isang "pag-asa" ang nakita para sa isang bansang ang eleksyon ay nabahiran na ng isang sistemang nagpapariral ng kasamaan.  Nanalo ang isang pari laban sa dalawang higanteng kandidato ng halalan sa kabila ng paggamit nila ng salapi at kapangyarihan. Nanaig ang isang pag-asa hindi lamang para sa mga kapampangan pero sa lahat ng mga Pilipino.  Ano ang susunod pagkatapos nito?  Matutulad na lamang ba tayo sa mga alagad ni Jesus na pagkatapos ng kanyang pag-akyat sa langit ay nanatiling namamangha at nakatingala sa langit!  Hindi!  Si Jesus mismo ang nagsabi: "Kayo’y magiging saksi ko… hanggang sa dulo ng daigdig!"  Ibig sabihin ni Jesus ay dapat kumilos tayo!  Hindi natapos ang lahat sa pag-akyat niya sa langit.  Bagkus ang kanyang pag-akyat ay naghudyat pa nga upang simulan nila ang kanilang misyon… ang kanyang maging mga buhay na saksi! Ang pag-akyat ni Jesus sa langit ay dapat magbigay sa atin ng sigla at pag-asa na kung tayo ay magiging tapat sa ating pagiging Kristiyano ay makakamit natin ang gantimpala ng kalangitan.  Hindi pa rin tapos ang tagumpay ni Jesus. Tayo ang inaasahan niyang tatapos nito.  Napatunayan ng eleksyon na puede pa rin pala ang pagbabago.  Baguhin na rin natin ang masamang sistemang sumisira sa ating pagiging Kristiyano! Maging mga buhay tayong saksi ni Kristo!

DIYOS NA NGO-NGO : Reflection for the 6th Sunday of Easter, Year C - May 13, 2007

Jes1028_1
Isang ngo-ngo ang despiradong nagdasal sa loob ng Simbahan.  Lagi na lang siyang niloloko ng kanyang mga kasama dahil sa kanyang kapansanan  kaya’t naisip niyang tanungin ang Diyos kung talagang mahal pa siya nito.  Sabi niya: "Mainoon, maal mo ma ao? Mait ao niloloko ng mga tao?  Umaot ka kun indi, magpapaamatay ao!"  May nakarinig pala sa kanya… isang ngo-ngo rin na nakasimpatya sa kanyang abang kalagayan kaya’t sumagot siya na patago.  "Ngo-ngo… maal na maal ita. Iniiip nilay indi maalaa. Maal ita maing ino a man…"  Sagot si ngo-ngo: "Mainoon… ngo-ngo a rin?" 
May tama si ngo-ngo! Sobrang mahal siya ng Diyos.  Sa sobrang pagmamahal na ito ay nakiramay siya sa ating abang kalagayan.  Kinuha niya ang ating pagka"ngo-ngo"… ang ating kahinaan bilang tao.  Kaya nga’t tama si San Pablo ng ipanaliwanag niya kung ano ang pag-ibig: "Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos kundi tayo ang inibig niya at sinugo ang kanyang Anak…" Isa lang ang hangarin ng Diyos para sa atin: ang manatili tayo sa Kanyang pag-ibig.  Ano ang kanyang kundisyon?  "Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig." At ano ang kanyang utos?  Para ng sirang plaka na lagi nating naririnig: "….mag-ibigan kayo!"   Nangyayari ba ito sa ating kapaligiran ngayon?  Patuloy pa rin ang bangayan sa pulitika. Patuloy pa rin ang pandaraya at panlalamang sa kapwa.  Patuloy pa rin ang paggamit at pagsasamantala sa mga mahihirap.  Patuloy pa rin ang pagkamakasarili ng mga tao…  Siguro nga, dapat pang ulit-ulitin ang utos ni Jesus.  Ulit-ulitin hanggang ang mundo ay mabalot ng kanyang pag-ibig!

HULING HABILIN: Reflection for the 5th Sunday of Easter Year C - May 6, 2007

Jesus
Isang lalaki ang nasa bingit ng kamatayan. Tinawag niya ang kanyang
maybahay upang makausap sa huling pagkakataon.  "Mahal, nais kong
sabihin mo sa akin ang totoo.  Ngayong malapit na akong mamatay ay nais
kong mapayapa ang aking sarili at maalis ang lahat ng anumang pagdududa
tungkol sa ating dalawa.  Tapatin mo ako… itong bang bunso natin ay tunay
kong anak?  Malayo kasi ang itsura niya sa akin…"  Sagot ng babae:
"Ano ka ba naman!  Bakit pinagdududahan mo ako. Anak natin yang
bunso… yung panganay ang sa kumpare mo!"  Inatake sa puso ang lalaki!
hehehe.
Napakahalaga ng huling pamamaalam.  Ang huling salita na
ating maririnig sa isang taong malapit ng mawala sa mundong ito ay
dapat pagtuunan ng pansin.  Nilalaman nito ang kanyang buong
buhay…ang kanyang sarili.  Bago umalis si Jesus ay binitiwan niya sa
mga alagad ang mga salitang ito: "Mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig
ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo…" 
Walang kasing linaw ang
mga salitang ito ni Jesus.  Ngunit bakit kaya patuloy pa rin ang
patayan at pamamaslang sa mundo?  Bakit patuloy pa rin ang panlalamang
at pang-aabuso sa kapwa?  Bakit patuloy pa rin ang pagsasawalang kibo
ng mga mayayaman sa mahihirap at hinihayaan silang mamatay sa gutom?
Bakit hindi pa rin tayo makapagpatawad at matigas pa rin ang puso sa
ating mga kagalit?  Kung tunay na mahal mo S’ya… susundin mo ang Kanyang "huling habilin"….  magmahalan kayo!