DIYOS NA 3 in 1 : Reflection for the Solemnity of the Most Holy Trinity, Year C - June 3, 2007

I am a cofee lover! Grabe! Hindi ako makakatulog sa gabi pag hindi ako uminom ng kape. Marami na rin akong kapeng natikman… from brewed o barakong kape ng batanggas to fraps o fancy cofee ng starbucks. Natikman ko pa nga ang exotic na "kape alamid". Special daw ang kapeng ito na ang
beans ay galing sa "shit ng Alamid" hehehe! Talagang mapapa… (sorry for
the word) SHIT ka pag nainom mo ito! PhP 170 ba naman sa isang maliit na
expresso cofee! hehehe… sabi ko sa sarili ko… dun na lang ako sa aking 3 in
1 na Nescafe! Tubig lang na mainit ang kelangan mo… enjoy ka na!
Sometimes we make life so complicated… e simple lang naman ang buhay… Parang Diyos… we make
Him too complicated in our minds. We want to understand him using our
limited intelligence… only to find out that God is not meant to be understood by the
mind but by the heart. Ang mga
taong marunong lang magmahal ang nakakaunawa sa Diyos! Ako… kuntento na sa aking Diyos na 3 in 1… Ang Diyos Ama na
nagbigay sa akin ng Kanyang Anak at patuloy na gumagabay sa akin sa pamamagitan
ng Espiritu Santo. Di
ko man S’ya lubos na maintindihan (bakit 3 in 1?) alam ko namang mahal
N’ya ako at nais Niyang mahalin ko rin Siya… more than understand Him, He
wants me to love Him. Everytime I take a sip
of cofee… kape Alamid man o simpleng Nescafe, it always reminds me of my
God… 3 in 1… Three Persons in One God who loved me unconditionally… to
the max!