EAT ALL YOU CAN! : Reflection for the Feast of Corpus Christi, Year C - June 10 2007

Ang sarap talagang
kumain! Lalo na kapag "eat all you can!" Pero ang ipinagtataka
ko e bakit hindi ako makuntento sa aking kinakain. Parang kulang pa… kaya
kain ng kain ng kain hanggang wala akong kamalay-malay na tumataas na pala ang
bilbil ko! hehehe… Ganun ba talaga ang pagkain? Na pagkatapos mong isusubo e
ilalabas mo rin? Merong nangyayari na hindi natin namamalayan… nagiging
kabahagi ng ating katawan ang ating kinakain. We become what we eat…!
Kaya nga ingat…! Kapag puro baboy ang kinakain mo e magmumukha ka ring
baboy! Kapag kambing naman ay malamang maging amoy kambing ka!
Kapag puro junk foods naman ay magiging junk din ang katawan mo… You
become what you eat! Ngayon ko naintindihan kung bakit inalay ni Hesus
ang kanyang sarili sa atin upang ating maging pagkain… gusto niyang maging
katulad Niya tayo! In the Eucharist… we become like Christ!… Nagiging
katulad natin S’ya! Ganito ba talaga ang nangyayari pagkatapos nating
magkomunyon? Nagiging katulad ba ni Kristo ang ating pag-iisip? Ang ating
pananalita? Ang ating pagkilos? Kaya naman pala kahit "eat all you
can" ang ating pagtanggap ng Komunyon ay parang no effect sa atin ay
sapagkat hindi natin ipinapakitang nagiging katulad Niya tayo. Sana pagtinanggap natin Siya sa Banal na Komunyon ay maging mas maunawain tayo. Maging mas mapagpatawad, mapag-aruga, magpagpakumbaba… Become what you eat… become like Christ!