TRAVEL LIGHT! : Reflection for 14th Sunday in Ordinary Time Year C - July 8, 2007

Ang sobrang pagnanasa ay delikado! Minsan
may paring ang hilig ay sumali sa mga "promo" o palaro ng mga
advertising companies. May pacontest noon ang isang sikat na
"softdrink: simple lang… bumili ka lang ng softdrink, tanggalin mo
ang tansan (takip)at buuin mo ang number 1,2,3! Presto! Panalo ka ng
limpak-limpak na salapi! Me pagkaswerte ata sya sapagkat sa unang bili
niya ng softdrink e nakuha niya ang number 3. Bumili uli siya at
nakuha naman niya ang number 1. Isa na lang… ngunit yun na ata ang
katapusan ng kanyang swerte: ayaw lumabas ng number 2. Nakaubos na
sya ng maraming softdrinks. Umabot na ng isang case ang nabili niya…
wala pa rin ang number 2. Umuwi sya sa parokyang dismaya. May lumapit
na isang lalaki at sinabi sa kanya: "Father puwede po bang
magkumpisal…" Ang pari, kahit na medyo dismaya ay sumagot: "Ano yon
anak… sabihin mo…" "Father, meron po akong number 2!" Nanlaki ang
mata ng pari at sinabi: "Ha??? Talaga? Akin na lang!" "Too much obsession in dangerous!" Isa
sa mga malaking tukso ng ating panahon ay ang magkamal ng mga bagay…
salapi, gadgets, ari-arian, etc.. etc. Ang ebanghelyo ngayon ay
nagsasabi sa atin kung paano tayo dapat mamuhay bilang mga tag-sunod ni
Kristo: "Travel light!" No need for unnecessary things… "Carry no money bag, no sack, no sandals…" (Lk. 10:4)! Ang
Panginoon ay nag-aanyaya sa atin na mabuhay na payak! To live a simple
life as his disciples. Hindi ko sinasalungat ang progresso ng
makabagong panahon. Kelangan natin ng pag-unlad! Ngunit kung ang
"cellphone" ay nagiging kapalit ng ating "physical presence" sa ating
pamilya… ay mali ata! Kung ang computer ay ginagamit upang
magpakalat ng kalaswaan… hindi ata tama. Kung ang pera ay nagiging
dahilan upang mapabayaan ang pamilya… dapat nating pag-isipan ang
ating ginagawa. Ang mga materyal na bagay ay dapat mapabuti ang ating
pamumuhay at hindi makasira nito. Masyado ng kumplikado ang buhay natin
ngayon. Maraming distractions sa ating paglalakbay. Let us remember… a simple life is a life lived with Christ!