PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for December, 2007


AMOY SUWERTE! : Reflection for the New Year & Solemnity of Mary Mother of God - January 1, 2008

Xms1006_2
Amoy
Bagong Taon na! Magandang maligo bago pumasok ang bagong taon at sundin
ang pamantayan sa paggamit ng pabango ayon sa isang text na aking
natanggap: "The
essence of smell in life: lotion for the babies, cologne for the
twenties, Eau d Toilet for the thirties, perfume for the fourties,
Efficacent Oil for the fifties, bawang at Luya for the sixties, insenso
for the seventies and above! haha!
Anuman ang amoy mo… isa lang ang sinasabi nito:  Salubungin mo ang bagong taon na may "bagong amoy" para pumasok ang suwerte!  Ang dami nating ginagawa upang papasukin ang suwerte sa bagong taon.  Naririyan na ang pagbili ng mga bilog na prutas. Suwerte
raw kasi yung bilog… magkakapera ka. Uso rin ang kasuotang kulay pula
o polkadots… swerte rin daw sabi nila. Maraming nagbubukas ng bahay
kahit mausok ang mga paputok… para raw pumasok ang swerte! (Yung iba
magnanakaw ang nakakakuha ng swerte! hehehe…. Naniniwala ka ba sa mga
pamihiing ito? Saan ba nakasasalalay ang swerte natin? Kung titingnan
natin ang kapistahang pinagdiriwang ngayon ay malalaman natin kung saan
nagmumula ang swerte! Kapistahan ngayon ni Maria bilang "Ina ng Diyos!" Ang kaswertehan niya ay di niya isinaalang-alang sa mga pamahiin subalit sa matapat na pagtupad sa  kalooban ng Diyos.
Nang pinili ng Diyos si Maria upang maging Kanyang ina ay hindi siya
nagdalawang isip na sumunod sa Diyos bagamat hindi niya alam ang ng
Diyos para sa kanya. Sa pagpasok ng bagong taon… maraming ang Diyos para sa atin!   Ang suwerte natin ay nakasalalay sa matapat na pagsang-ayon sa Kanyang kalooban.
Kaya kahit hikahos ang ating buhay sa pagpasok ng taon, kahit santambak
ang problemang sasalubong sa atin, kahit baon tayo sa maraming
pagkakautang ay kaya nating salubungin ang bagong taon na may ngiti sa
ating mga labi. Dasalin natin kasama ni Maria…"Narito ang alipin ng Panginoon… maganap nawa sa kin ayon sa wika mo…" ISANG MAPAYAPA AT MAPAGPALANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!
 
 

(Newly Improved! hehe…) BANAL NA PAMILYA… ANO BA? : Reflection for the Feast of the Holy Family - December 30, 2007

Xms1027
Nagkaroon ng survey noong isang
taon.  Nagtataka sila kung bakit marami ang ipinapanganak na kambal.
"Bakit kaya?"  Ang susunod na tanong.  Ang sabi ng isang sagot: "Dahil takot ang batang isilang na mag-isa sa mundo!" Tama nga naman… sa dami ng problemang bumabagabag sa bawat pamily ngayon ay parang nakakatakot nang isilang sa mundo!
Nariyan na ang abortion at contraception, idagdag pa natin ang divorce,
disfunctional families, kahirapan ng pamumuhay, pagsasamantala sa
karapatan ng mga bata, at marami pang ibang sulirin sa lipunan. Parang
nakakatakot talaga na isilang sa mundo ngayon. Kung baga sa pelikula:
nkakaSHAKE RATTLE AND ROLL!  Ang dating simpleng pamilyang naninirahan sa BAHAY KUBO ay nagiging kumplikado.  Kaya si ENTENG ay nag-aabroad para makaranas ng KATAS NG SAUDI.  Ang resulta:  pamilyang SAKAL, SAKALI, SAKLOLO! Kaya nga dapat i-RESIKLO ang bawat pamilya! Tinatapos natin ang taong ito sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Banal na Pamilya nina Jesus, Maria at Jose. 
Pinapaalala sa atin kung "ano dapat maging" ang isang pamilya.  Ginawang
banal ng Diyos ang bawat pamilya nung siya ay magkatawang tao… at
pinabanal pa niya ito ng pinili niyang mabuhay sa loob ng isang
pamilya.
Hindi sapagkat "holy family" ay perpekto na!  Kahit ang
Banal na Pamilya ay nakaranas ng sakit at pagkukulang.  Sa ebanghelyo
ngayon ay makikita natin ang paghihirap na dinanas ng banal na pamilya
sa pag-aalaga nila sa sanggol na Hesus upang mailayo ito sa
kapahamakan. Kahanga-hanga ang papel na ginampanan ni Jose bilang "ama"
ng banal na pamilya.  At mayroon ding tagpo sa ebanghelyo na minsang
naging pasaway ang batang Hesus noong minsan silang nagpunta sa templo
ng Jerusalem.  At take note: marunong sumagot sa magulang! hehehe…   Ngunit ang isang katangian ng banal na pamilya ay ang marunong itong magmahal sa kabila ng maraming pagkukulang ng bawat isa. Ito ang maaari nating mapulot sa Banal na Mag-anak.  Sila ay Banal sapagkat sila ay nagmamahalan sa kabila ng kanilang pagkukulang. Minamahal ko rin ba ang pamilyang kinabibilangan ko?  Ano ang magagawa ko pa upang maitaguyod ang aking sariling pamilya? 
Paano ko mapupunuan ang pagkukulang ng bawat isa sa amin?  Tularan natin ang Banal na Pamilya nina Jesus, Maria at Jose!

      

ANG DIYOS: KAPAMILYA NA… KAPUSO PA! Reflection for Christmas Day - December 25, 2007

Xms1016_1
Isang
lalaki ang may alagang matatabang baboy.  Ito ang ipinambubuhay niya sa
kanyang pamilya kayat ganun na lamang ang kanyang pagmamahal sa kanyang
mga baboy.  Minsa’y laking pagkagulat niya ng maratnan niyang
matatamlay ang kanyang mga baboy… may sakit sila at unti-unting
namamatay. 
"Panginoon,
pagalingin mo ang mga baboy ko… mahal na mahal ko sila."  Sa di
inanasahang pagkakataon ay sumagot ang Panginoon: "O sige, pagagalingin
ko ang mga baboy mo sa isang kundisyon… na bukas pagkagising mo ay
makikita mo ang sarili mo sa kulungan ng mga baboy. 
Kasama
ka nila sa pagtulog at pagkain… sa madaling salita: magiging baboy ka
rin!"  Sabi ng lalaki: "Panginoon, patayin mo na lang ang mga baboy!"
Kaya
mo bang maging kapamilya ng mga baboy? Ano ka hilo??? Magpapakamatay na
lang ako! Hindi ko ata matatanggap na maging mababang uri ng nilikha!
Pero ito ang mas hindi katanggap-tanggap: Na ang Manlilikha ay maging isang nilikha!  Masahol pa sa taong naging baboy!  Ngunit ito ang pinili ng Diyos.  Ninais Niyang maging KAPAMILYA natin!
Akuin ang ating pagkatao at maranasan ang mabuhay na isang tao.  Pero
hindi lang maging kapamilya ang nais niya.  Ninais pa ng Diyos na
maging KAPUSO natin! Kaya nga, tuwing Pasko ay muling isinisilang si Hesus.  Isinisilang Siya sa puso ng mga taong handang tumanggap sa Kanya.  Napakalaking
karangalan para sa ‘ting mga tao na piliin Niya upang maging Kanyang
ka-pamilya at ka-puso. Sa pagsapit ng Pasko paglaanan natin ng ilang
sandali na pag-isipan ang mahalagang katotohanang ito: Ang Diyos ay NAGING TAO upang tayo’y MAGPAKATAO. Sa Paskong ito, hanapin natin Siya sa ating Kapwa.  Magmahal ka at magpatawad at isisilang Siya sa puso mo. Isang MAKAHULUGANG PASKO sa inyong lahat! 

   

PAGDUDUDA: Reflection for the 4th Sunday o Advent Year A - December 13, 2007

 Xms1003
Isang mister ang malapit
na sa bingit ng kamatayan. Ipinatawag niya ang kanyang asawa at sinabi:
"Alam mong bilang na ang mga sandali ko.  Nais ko sanang mapayapa ang
aking sarili bago ako mamatay. Tapatin mo nga ako, ako ba ang ama ng ating
bunso?  Napansin kong magkamukha ang panganay at kasunod ngunit napakalayo
ang itsura ng ating bunso.
" Sumagot ang babae: "Ano ka ba naman?
Tunay na anak mo yan no?  Pero sigurado ako… 
Yung dalawa e kay kumpare!" 
Inatake sa puso ang mister!  May karapatang magduda ang lalaki kung papaanong si Jose rin ay may karapatang magduda sa kanyang asawang si Maria.  Bago sila magsama ay naratnan niyang nagdadalang-tao ito.  Ano ang kanyang gagawin?  Sapagkat isa syang taong matuwid at ayaw niyang ipahiya at ipahamak si  Maria ay nadesisyon na lang na iwanan niya ito ng tahimik. Nakita ng Diyos ang kabutihan ng puso ni Jose kaya’t binigyan niya ito ng mas mabigat na responsibilidad:  Ang maging ama-amahan ni Jesus at tagapag-alaga ng mag-ina!  Hindi nabigo ang Diyos kay Jose.  Tinanggap niya ng bukal sa loob ang bagong plano ng Diyos.  Ganito rin ba ang aking reaksiyon kapag hindi nangyayari ang gusto ko?  May plano ang Diyos sa atin na kung minsan ay taliwas sa ating gustong mangyari:  Bumagsak ka sa board exam, nawalan ka ng trabho.  Nasunugan ka ng bahay.  Namatayan ka ng mahal sa buhay…. Mas madali ang magduda at mag-alinlangan… Pero katulad ni San Jose ay tinatawagan tayong manalig sa Diyos at sumunod.  Ito ang sukatan ng tunay na pananampalataya.  Sabi nga sa ingles:  "God can write straight in crooked lines!" 

 

ANG SORBETERO NG PASKO: Reflection for 3rd Sunday of Advent Year A - December 16, 2007

Xms1002
Sa lahat ng Simbahan ngayong Linggo ay sisindihan ang kandilang kulay "pink" ng Korona ng Adbiyento.  Sumasagisag sa kaligayahang ating nadarama dahil papalapit na ang pagdiriwang ng Pasko.  Ang tawag sa pagdiriwang natin ngayon ay "Gaudete Sunday".  Ibig sabihin ay "Magsaya!" Ano nga ba ang nagbibigay sa atin ng kaligayahan tuwing Pasko?  May isang sorbetero na lubos na kinagigigiliwan ng mga bata dahil sa kanyang masarap na ice cream.  Ngunit higit sa ice cream ay ang kanyang pagkamasayahin, magaling siyang mag-entertain sa mga batang kanyang suki!  Minsan sinabi n’ya sa kanila: "Alam n’yo bang ako’y magikero?  Kayang kong gawin ang lahat ng nais n’yo! " Sabi ng mga bata: "Sige nga po… bigyan n’yo nga kami ng maraming-maraming ice cream na hindi nauubos?"  Nalungkot ang sorbetero.  Sa isang iglap ay naglaho s’ya at nakita ng mga bata ang napakaraming supply ng ice cream sa kanilang harapan.  Masayang-masaya sila!  Nakalimutan ang sorbetero.  Ngunit pagkatapos ng ilang araw ay nalungkot muli sila… parang may kulang!  Hanggang isang araw ay may nakita silang matandang lalaki na malungkot na nakaupo sa daan.  "Bakit po kayo malungkot?  Sino po kayo?"  Biglang may nilabas sa kanyang bulsa ang lalaki, isang maliit na "bell" at pinatunog ito.  Laking pagkatuwa ng mga bata.  Nagbalik sa kanila ang sorbetero! At doon nila naunawaan na ang nagpapasaya sa kanila ay hindi ang ice cream kundi ang sorbetero!  Si Jesus ang sorbetero ng Pasko!  Akala natin ang mga ice cream ang nagpapasaya sa Pasko!  Masarap na Noche Buena, bagong sapatos at damit, regalo, Christmas party, dekorasyon… Pero lahat ng ito ay parang ice cream na matutunaw! Ang tunay na nagbibigay ng kaligayahan sa Pasko ay ang sorbetero… si Hesus!  Siya ang "reason of the season!" May Pasko sapagkat may Diyos na nagmahal sa atin ng  lubos at ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang iligtas tayo sa pakakaalipin sa kasalanan! Nakakalungkot sapagkat  marami sa atin ang nakakalimot sa pagtanggap sa Kanya.  Naiiwan tayo sa ice cream!  Ngayong "Gaudete Sunday", hinihikayat tayong pag-isipan kung ano ba ang nagpapaligaya sa atin sa Pasko.  Ilang araw na lang Pasko na… baka nasa ice cream ka pa…

One More Chance: Supplementary Reflection for 2nd Sunday of Advent Year A - Dec. 9, 2007

Cat1026
Kasalukuyan kong binabaybay ang kahabaan ng NLEX. Marahil mga alas 6:30
ng gabi noon. Galing ako ng Mabalacat, Pampanga sa isang kasal at pauwi
na ako sa Makati. Medyo may kahabaan ang biyahe at marahil dala na rin
ng pagod at puyat ay tinamaan ako ng antok. Napakabilis ng pangyayari.
Ilang segundong pagkakaidlip at nakita ko na ang aking sarili sa likod
ng isang dump truck. Sumabit ang nguso ng aking sinasakyang Isuzu IPV
sa bumper ng truck at nakita ko na lamang na hili-hila na ng truck ang
aking sasakyan. Mabuti na lamang at nagawa naming tumabi sa "shoulder"
ng express way at wala namang napinsala sa amin maliban sa aking
sasakyan na wasak ang nguso ngpassenger side. Naisip ko… mahal pa rin
ako ng Diyos! Binibigyan n’ya pa rin ako ng pagkakataong pag-isipan at
pahalagahan ang aking buhay. Habang binabasa ko ang Ebanghelyo ngayon
ay mas lalo kong naintindihan ang mga katagang "Prepare the way of the
Lord, make straight his paths!" Kakatapos ko lang ipagdiwang ang ika-11
anibersayo ng aking pagpapari noong Dec. 7. At parating bumabalik sa
aking isip ay kung nagawa ko na bang ipaghanda ang daraanan ng
Panginoon sa aking buhay sa labing isang taon ng paglilingkod ko sa
kanya? Kung tinawag na niya ako nung gabing iyon, masasabi ko bang
naihanda ko na ang daraanan Niya? Nakakahiya mang aminin ngunit
masasabi kong marami pa ako pagkukulang at marami pang pagbabayad-puri
na dapat gawin… Maraming salamat Panginoon sa pagbibigay mo sa aking
ng isa pang pagkakataon!

MAGBAGO KA! NGAYON NA! : Reflection for the 2nd Sunday of Advent Year A - December 9, 2007

Bib1055_1
Mayroong isang lumang kwento na minsan daw ay nagkaroon ng
pagpupulong ang kalipunan ng mga demonyo, isang Devils’ Assembly na
ipinatawag ni Lucifer.  Ang layunin ng pagpupulong ay upang humanap ng
pinakamagandang paraan upang makahikayat pa sila ng maraming
tagasunod.  Nagtaas ng kamay ang isa at ang sabi: "Boss Luci, bakit
hindi tayo bumaba na lang sa lupa at sabihin sa mga tao na wag na
silang magpakabuti sapagkat wala namang langit?"  Sinigawan siya ni
Lucifer na ang sabi: "Talagang demonyo ka! Di ka nag-iisip!  Sinong
maniniwala sa ‘yong walang langit?  Di mo ba nakikita ang napakaraming
taong nagsisimba pag Linggo? Tanga!"  Sabad naman ng isa: "E bakit di
na lang natin sabihin sa kanila na wala namang impiyerno kaya wag
silang matakot na gumawa ng masama?"  "Isa ka pa!" Sagot ni Luci,
"Sinong maniniwala sa yong walan impiyerno?  E saan tayo titira? Sa
langit? Tanga!"  Walang makapabigay ng magandang panukala hanggang
isang bagitong demonyo ang nagsalita: "Bossing, sabihin natin sa mga
tao na ganito: totoong may langit at may impiyerno, pero… wag n’yo
munang intindihin yun!  Mahaba pa ang buhay n’yo sa mundo.
Magpakasarap muna kayo habang buhay pa!"  At umani siya ng masigabong
palakpakan!
  Ang ikalawang Linggo ng Adbiyento ay nagpapaalala sa atin ng agarang pagtugon sa tawag ng Diyos na magbalik-loob at magbagong buhay! Ito ang isinisigaw ni Juan Baustista sa ilang: "Magpanibagong-buhay
kayo.  Malapit ng dumating ang kaharian ng Diyos… Ngayon pa’y
nakaamba na ang palakol sa ugat ng punongkahoy."
Wag sana
tayong padala sa malaking kasinungalingang ikinakalat ng demonyo na
mahaba pa ang ating buhay… marami pa tayong oras!  Mas mabuti na na
lagi tayong handa.  Baka bukas hindi na tayo magising.  Baka yung
kinain natin ay huling hapunan na.  Walang makapagsasabi.  Ngunit wag
sanang takot ang mgtulak sa atin sa pagbabalik- loob.  Tandaan natin, ayaw
ng Diyos na katakutan natin Siya… ang nais Niya ay atin Siyang
mahalin! Tatalikuran ko ang aking masamang pag-uugali dahil mahal ko
ang Diyos. Mabubuhay ako ng mabuti dahil mahal ko Siya!  Ito ang
pagbabagong-loob na kinalulugdan N’ya.
Handa ka na ba kung tatawagin ka ng Diyos ngayon?   

SA LAKAS NG DIYOS…POSIBLE! Reflection for the Solemnity of the Immaculate Conception - December 8, 2007

Mar1051
Minsang
pumasyal ako sa Bicol at pinuntahan ko ang matayog at magandang Mayon
volcano.  Swerte ako at maganda ang panahon.  Maaliwalas ang kalangitan
kitang-kita ang  "perfect cone" ng bulkan.   Ang sabi ng ilang
tagaroon: "May paniniwala na tanging ang mga birhen lang ang nakakakita
ng perfect cone ng bulkan." Nang sumunod na araw ay naroroon uli ako at
napansin kong may grupo ng mga madreng tinatanaw ang bulkan at ang sabi
nila: "Ay sayang!  Maulap di natin makita ang perfect cone ng bulkang
Mayon!" hehehe!  Uso pa ba ang pagiging birhen ngayon?  Sa ibang
progresibong pag-iisip ay makaluma na ang kahinhinan at kalinisan.
Ngunit ang kapistahang ipinagdiriwang ngayon ay nagsasabing posible pa
rin ang kalinisan! May ilan pa ring nalilito sa kapistahang ito ng
"Immaculate Coneception".  Akala ng iba, ito ay ang mahimalang
paglilihi ni Maria kay Jesus o ang tinatawag nating "virgin birth" ni
Jesus.  Sino ba talaga ang ipinaglihi? Si Jesus o si Maria?  Ang Immaculate Conception ay ang "kalinis-linisang paglilihi kay Maria"  na pinaniniwalaan nating totoo bilang mga Kristiyano.
Paano nangyari na ang isang tao ay ipinaglihing walang kasalanan gayung
lahat ng taong isinisilang sa mundo ay nababahiran ng "original sin?"
Marahil imposible para sa ating mga tao, ngunit hindi sa Diyos!  Kung
hihiramin ko ang slogan ng Globe telecom:  "Sa lakas ng Diyos… POSIBLE!" Isang
natatanging pribelihiyo ang ibinigay ng Diyos kay Maria na ipinaglihi
siyang walang kasalanang mana sapagkat siya ang magdadala sa Anak ng
Diyos sa kanyang sinapupunan.
Hindi ata tama ang maglagay ng
maputing bigas sa maruming kaldero!  Dapat malinis muna ang
paglalagyan!  Ang sinapupunan ng Mahal na Birhen ay ihinihanda na ng
Diyos sapul pa nung ipaglihi siya ng kanyang mga magulang.  At ang
kalinisang ito ay kanyang pinanatili! Kaya nga ang tawag natin din sa
kanya ay "Ever-virgin!"  Isang magandang paalala sa ating lahat.  Marahil
ay hindi natin mapapantayan ang kalinisan ng Mahal na Birhen.  Ngunit
inaanyayahan tayong mabuhay ng may malinis na puso!
Nakakalungkot
sapagkat kalat na sa mundo ang kalaswaan at sinisira ang murang
pag-iisip ng ating mga kabataan. Hingin natin na sana ay protektahan ng
Mahal na Birhen ang bawat isa sa atin.  Wag tayong mawalan ng pag-asa sapagkat kaya din nating maging malinis tulad niya.  Tandaan natin… "Sa lakas ng Diyos… POSIBLE!"