AMOY SUWERTE! : Reflection for the New Year & Solemnity of Mary Mother of God - January 1, 2008

Amoy
Bagong Taon na! Magandang maligo bago pumasok ang bagong taon at sundin
ang pamantayan sa paggamit ng pabango ayon sa isang text na aking
natanggap: "The
essence of smell in life: lotion for the babies, cologne for the
twenties, Eau d Toilet for the thirties, perfume for the fourties,
Efficacent Oil for the fifties, bawang at Luya for the sixties, insenso
for the seventies and above! haha! Anuman ang amoy mo… isa lang ang sinasabi nito: Salubungin mo ang bagong taon na may "bagong amoy" para pumasok ang suwerte! Ang dami nating ginagawa upang papasukin ang suwerte sa bagong taon. Naririyan na ang pagbili ng mga bilog na prutas. Suwerte
raw kasi yung bilog… magkakapera ka. Uso rin ang kasuotang kulay pula
o polkadots… swerte rin daw sabi nila. Maraming nagbubukas ng bahay
kahit mausok ang mga paputok… para raw pumasok ang swerte! (Yung iba
magnanakaw ang nakakakuha ng swerte! hehehe…. Naniniwala ka ba sa mga
pamihiing ito? Saan ba nakasasalalay ang swerte natin? Kung titingnan
natin ang kapistahang pinagdiriwang ngayon ay malalaman natin kung saan
nagmumula ang swerte! Kapistahan ngayon ni Maria bilang "Ina ng Diyos!" Ang kaswertehan niya ay di niya isinaalang-alang sa mga pamahiin subalit sa matapat na pagtupad sa kalooban ng Diyos.
Nang pinili ng Diyos si Maria upang maging Kanyang ina ay hindi siya
nagdalawang isip na sumunod sa Diyos bagamat hindi niya alam ang ng
Diyos para sa kanya. Sa pagpasok ng bagong taon… maraming ang Diyos para sa atin! Ang suwerte natin ay nakasalalay sa matapat na pagsang-ayon sa Kanyang kalooban.
Kaya kahit hikahos ang ating buhay sa pagpasok ng taon, kahit santambak
ang problemang sasalubong sa atin, kahit baon tayo sa maraming
pagkakautang ay kaya nating salubungin ang bagong taon na may ngiti sa
ating mga labi. Dasalin natin kasama ni Maria…"Narito ang alipin ng Panginoon… maganap nawa sa kin ayon sa wika mo…" ISANG MAPAYAPA AT MAPAGPALANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!