PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for March, 2008


MAPAGDUDA KA BA? : Reflection for the 2nd Sunday of Easter Year A - March 30, 2008

Cat1025_5
Isang
matandang pari ang kinaiinisan ng kanyang mga kasama sa isang religious
community. Lagi siyang naninigaw, nagagalit, namumumuna at aburido.
Samakatuwid, isa siyang "pain in the ass" para sa kanila. Minsan, ang
paring ito ay dumalo sa isang Retreat at doon ay naunawaan niya na
kailangan niyang baguihin ang kanyang masamang pag-uugali. Pagkauwi
niya sa kanyang community ay agad siyang naglagay ng isang karatula sa
labas ng pintuan ng kanyang kuwarto. Ito ang nakasulat:
"The old man who once resided here is no longer alive!  He is dead and was buried!"
Hindi makapaniwala ang mga nakabasa nito. Ngunit totooo nga, isang
"bagong" pari ang nakita sa matandang iyon. Hindi na naninigaw. Hindi
na aburido. Hindi na nagagalit. Ok na sana ang mga unang araw ngunit
pagkatapos ng ikatlong araw ay laking pagkadismaya nila sapagkat
unti-unti ay muling bumalik ang masamang pag-uugali ng matandang pari.
Kayat sa inis ng isang niyang kasamang pari ay kumuha ito ng marking
pen at may isinulat sa karatulang nakasabit sa kanyang pinto. Ganito na
ngayon ang nakasulat: "The old man who once resided here is no longer alive.  He was dead and was buried…" pero may karugtong "… and on the third day he rose again!"
May katwiran ngang magduda ang kanyang kasamang kung ganoon ang asal ng
taong iyon. Natural lang ang magduda! Maging ang mga alagad ay napuno
ng pagdududa sa muling pagkabuhay ni Hesus. Lalo na si Tomas na wala
noong si Hesus ay unang nagpakita sa kanila. Ngunit pinawi ni Hesus ang
pagdududang ito at pinalitan ng isang malalim na pananampalataya:
"Doubt no longer but believe!" Ito dapat ang bunga ng Muling Pagkabuhay
ni Hesus sa atin: Isang malalim na pananampalataya!
Kapag nahaharap tayo sa matinding krisis sa ating buhay tulad ng kapag
may namatay sa pamilya o may malubahang karamdaman ang ating mahal sa
buhay, nawalan ng trabaho o bumagsak sa examination, iniwan ng mahal sa
buhay o bigo sa pag-ibig… kapag nagdududa tayo sa pag-ibig ng Diyos
sa atin ay alalahanin natin ang mga kataga ni Hesus: "Blessed are those who do not see and yet believe…" Ito ang sukatan ng isang tunay na pananampalataya.

LIWANAG SA DILIM (Reposted & Revised) : Reflections for Easter - March 23, 2008

Jes1069_1
Araw ngayon ng kaliwanagan… napawi na ang dilim ng kamatayan! 
May
dalawang magkaibigan, si haring liwanag at si haring dilim. Lungkot na
lungkot si dilim sa kanyang kaharian kaya isang araw ay tinext nya si
liwanag: "Hi!"
Sagot si liwanag: "Hu u?"  Sagot ni dilim: "4get me na alredy? I’m ur fren… darky!" at me sumunod pang text, "me lonely hir. wanna visit
me?" Sagot ni liwanag:" "sure! Ktatkits!" At bumisita si haring liwanag
kay haring dilim. Ngunit pagdating sa kaharian ni haring dilim ay wala
syang makita. "Wer u na? D2 na me!" Sagot si dilim: "Her me na sa harap
mo… can’t u see me?"
Sa totoo lang walang makikitang dilim si liwanag sapagkat nabalot na ng kanyang kaliwanagan ang kadiliman… Ganito rin ang Muling Pagkabuhay ni Hesus.  Ang Muling pagkabuhay ni Kristo ang liwanag na sumakop sa kadiliman ng kasalanan! Hindi
nagtapos sa kamatayan ang buhay ni Jesus… S’ya ay Muling Nabuhay!
Hindi inaasahan ng mga alagad ang mangyayari pagkatapos ng kanyang
kamatayan. Ang akala nila, siya ay patay na. Tapos na ang lahat.
Naglaho na ang kanilang pag-asa. Kaya nga’t ang hinila nila ay ninakaw
ang kanyang katawan ng di nila ito matagpuan sa libingan. Ngunit
naguluhan ang kanilang pag-iiisip na makitang iniwang nakaayos ang mga
kayong lino na kanyang kasuotan. Hindi ito gawain ng magnanakaw. Nasaan
na si Jesus? Si Jesus ay wala na sa libingan. Si Jesus ay wala na sa
kadiliman ng kamatayan. Ang libingang walang laman ay nagpapaalala sa atin na Siya ay buhay!  Si Jesus ay muling nabuhay upang hanguin din tayo sa dilim ng kamatayan ng ating mga kasalanan. Magalak ka!  Niligtas ka na ng Diyos! Tinubos ka na ng kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli… magpupumilit ka pa rin ba sa masasama mong hilig at pag-uugali? 
Magtitiis
ka pa rin ba sa kadiliman? Walang saysay ang ating pagiging Kristiyano
kung hindi tayo maniniwala sa muling pagkabuhay ni Hesus. At ang tunay
na pagsampalataya sa Kanyang muling pagkabuhay ay hindi lamang sa isip
o salita kundi sa gawa. Ipakita natin na tayo ay mga mga anak ng
kaliwanagan… magmahal sa ating kapwa, magpatawad sa ating mga kaaway,
tumulong sa mga mahihirap, tigilan na ang panlalamang, tigilan ang
pang-aapi, tigilan na ang panlilinlang… Tayo na sa liwanag!

WHY GOOD FRIDAY ? (Reposted & Revised) Reflection for Good Friday - March 21, 2008

Bib1002_3
Bakit
"Good Friday" ang tawag sa araw na ito? Bakit sa ibang araw ng Holy
Week ang tawag ay "Holy"? (Holy Monday, Holy Tuesday, etc…) What is
so good today? Today is really "good" Friday for three reasons: First, today we see the ultimate goodness of God.
Sa tuwing sumasapit ang Biyernes Santo, hindi ko pinalalagpas ang
panoorin ang sikat na pelikulang "The Passion of the Christ".
Napakaganda kasi ng pagkakagawa… makatotohanan. Parang nakikita ko
ang aking sariling kasama sa bawat tagpo ng pelikula. Parang ramdam ko
ang bawat pasakit at sugat ni Jesus… sugat na tanda ng kanyang
pagmamahal sa ‘kin! I felt my unworthiness in front of God because of my sinfulness… Second, today is "good" because today, good triumphed over evil… Sa
pagkamatay ni Hesus ay tinalo Niya ang kasamaan at kasalanan! Kaya pala
sa isang tagpo sa pelikula ay humiyaw ng malakas ang demonyo pagkatapos
maisakatuparan ni Jesus ang pagkamatay sa Krus. Sinunod Niya ang
kalooban ng Ama at dahil dito ay nailigtas tayo sa kasalanan. At ito na
marahil ang pinakamabuting nangyari sa atin… na muli tayong maibalik
sa ating malapit na pakikipag-ugnayan sa Ama. Muling naidugtong ni
Hesus ang naputol nating relasyon sa Diyos.
Third reason is because we are commissioned to be good people and to do good deeds to others…  Sa simula pa lang ay "mabuti" na tayo sapagkat ginawa tayo ng Diyos na Kanyang kawangis. Mas lalo pa tayong pinabuti sapagkat buhay ni Jesus, ang Anak ng Diyos, ang Kanyang ginamit upang tayo ay maligtas.  Nais
din N’yang ibahagi natin ang kabutihang ito sa iba. At ito nga ang ibig
sabihin ng salitang "Good news" Tayo ang tagapagdala ng "Mabuting
Balita" na dapat ay makita ng lahat! Sa ating pananalita, sa ating
pag-iisip, sa ating pag-iisip…
let us be bearers of this Good News!  So.. we have all the reason to call this day… GOOD…  AND LET US TRY TO BE GOOD STARTING TODAY… 

SIMPLE LANG! (Reposted & Revised) Reflection for Holy Thursday - March 20, 2008

Bata
pa lang ako ay tinuruan na akong maghugas ng kamay ng aking magulang
bago kumain. Tinuruan akong sabunin ang aking mga kamay, sa palad, sa
pagitan ng mga daliri, paikut-ikutin pa… (parang commercial ng safeguard eh!
hehe) Pero di ata ako tinuruan na maghugas ng paa bago kumain! Parang
weird yun! … Bago ganapin ni Hesus ang "huling hapunan" ay iniutos
ito ni Hesus sa kanyang mga alagad! Ang mas weirdo… si Hesus mismo
ang naghugas sa paa ng kanyang mga alagad. Haller…! Si Hesus ang
bigboss nila no? Bakit siya ang naghugas? May nais paratingin sa atin
ang Panginoon… nais mong maging leader?… matuto kang maglingkod!  Nais mong maging dakila?… Matuto kang magpakumbaba! Napakaganda na ibinigay ito ni Hesus sa kontexto ng Eukaristiya… Ano ba ang Eukaristiya…? Simple lang, tinapay
na walang halaga na inialay, binasbasan, pinaghati-hati at ibinigay sa
mga alagad… Ngunit tinapay din na naging katawan ni Kristo, pagkain
ng ating kaluluwa, at dahilan ng ating kaligtasan!
Ang Huwebes Santo ay ang  paggunita sa  pagtatatag ng Sakramento ng Eukaristiya.
Dito inialay at patuloy na iniaalay ni Hesus ang kanyang katawan at
dugo upang maging pagkain natin tungo sa ating kaligtasan. Ang tunay na lider ay handang mag-alay ng kanyang buhay sa paglilingkod… tulad ni Hesus!

MAHAL O BANAL NA ARAW? : Reflection for Passion Sunday Year A - March 16, 2008

Bib1002_1
Mga
Mahal na Araw na naman!  Bakit nga ba MAHAL at hindi BANAL
ang tawag natin? Di ba Holy Week ang tawag natin sa ingles? Bagama’t
mas tama ang translation na "Banal", mas naangkop naman sa aking
palagay ang salitang "Mahal". Kapag sinabi mong "mahal"  maari mong ipakahulugang "of great value" o "precious".  Para sa ating mga Kristiyano, precious
ang mga araw na itong darating… sapagkat sa mga araw na ito ay
pagninilayan natin ang pagtubos sa atin ni Jesus sa pagkakaalipin sa
kasalanan sa pamamagitan ng kanyang paghihirap, kamatayan at muling
pagkabuhay! "Of great value" sapagkat tinubos tayo ni Jesus sa halagang hindi maaaring tumbasan ng salapi… sa pamamagitan ng kanyang katawan at dugo!
Ang "Mahal" din ay nangangahulugang "close to our hearts, dear…"  Naaangkop din ang pakahulugang ito sapagkat ang
mga araw na ito ay nagpapakita sa atin ng walang hangang pag-ibig ng
Diyos na nag-alay ng kanyang bugtong na Anak upang tayo ay maligtas…
Sa
Ebanghelyong ating narinig ay pinagnilayan natin ang paghihirap at
pagkamatay ni Hesus. Kasabay ng kanyang "makaharing pagpasok" sa
Jerusalem ay ang katotohanang ipagkakanulo siya ng mga taong "mainit"
na tumanggap sa Kanya. Ang mga masasayang "hosanna" ay mapapalitan ng
mapapait na "ipako siya sa krus!". Ang makapal na bilang ng taong
sumalubong sa kanya ay isa-isang mag-aalisan at iiwanan siya sa paanan
ng krus! Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos…  Iniligtas Niya tayo sa pagkakaalipin ng kasalanan. Tunay ngang MAHAL at BANAL
ang mga araw na ito! Nakakalungkot sapagkat maraming tao ngayon ang
ginagawang cheap ang mga araw na ito! Imbis na "magbisita Iglesya" ay
beach resorts at mga lugar na pahingahan ang binibisita. Imbis na
magpunta ng Simbahan at magdasal ay natutulog ng buong araw. Imbis na
magnilay at manalangin ay nanood ng sine… ang precious… nagiging cheap… ang mahal nagiging… mumurahin!  Sana ay maibalik natin ang tunay na pakahulugan ng mga araw na ito…  baka naman cheap ka rin sa darating na linggong ito?    

TO LIVE… NOT ONLY TO EXIST! : Reflection for the 5th Sunday of Lent Year A - March 9, 2008

Tatlong
magkakaibigan na may magkakaibang paniniwala ang minsang namasyal sa
tabing dagat. Napakalakas at napakataas ng mga alon at sa di kalayuan
ay may nakita silang tao na tila nalulunod. Nagkatinginan ang tatlo at
ang sabi ng isa: "Hindi ko puwedeng tulungan yan, ako’y isang "Hindu"
at naniniwala kami sa re-incarnation. Masama akong tao, baka maging
mababang uri ako ng hayop sa kabilang buhay." Sambit naman ng isa:
"Ako’y atheist, hindi ako naniniwala sa Diyos at na may kaluluwa ako.
Pag ako’y nalunod… katapusan ko na!" Walang pasabi-sabi ay biglang
lumusong ang isa sa tubig. S’ya’y Katoliko! Nagawa n’yang iligtas ang
nalulunod. Tinanong siya ng dalawa n’yang kaibigan: "Dahil ba sa
niniwala ka sa "resurrection of the dead" kaya malakas ang loob mong
iligtas s’ya?" Sagot n’ya: "Ano’ng resurrection ang pinagsasabi n’yo?
Kilala ko yung lalaking nalulunod… malaking halaga ang pagkakautang
sa akin nun!"
Totoo nga naman, marami sa ating mga Kristiyano
ang tila di na naniniwala sa katotohanan ng "muling pagkabuhay;"
sapagkat marami sa atin ang nabubuhay na tila wala silang kaluluwang
dapat iligtas o kaya naman ay katawan na muling bubuhayin ng Panginoon.
Nakakalungkot isipin na marami ang nabubuhay na tila patay. "They exist
but they are not alive!" Mga taong materyalismo, lulon sa masasamang
bisyo, mapanlamang sa kapwa, kumikitil sa buhay ng iba, nagpapalaganap
sa "kultura ng kamatayan…" Ang
ikalimang linggo ng Kuwaresma ay nagsasabi sa ating ang Panginoon ay
may kapangyarihan upang buhayin tayo sa mga uri ng kamatayang ito.
Kasalanan ang ugat ng ganitong uri ng kamatayan kung kaya’t ang pagbabalik-loob sa Diyos at pagsampalataya sa Kanya ang kasagutan upang mapagtagumpayan natin ito.  Choose life… not death!  Remember…  "we are called to live, not only to exist!" 

MASAHOL NA PAGKABULAG : Reflection for the 4th Sunday of Lent Year A - March 2, 2008

Cat1008_1
May kuwento ng isang babaeng lumapit
sa isang pari upang mangumpisal.  "Pakiramdam ko po’y nagkasala ako, "
ang sabi niya.  "Ngayong umagang ito, bago ako magsimba ay lubhang
naging mapagmataas ko sa aking sarili.  Naupo ako sa harap ng salamin
sa loob ng isang oras habang hinahangaan ko ang aking kagandahan."
Tiningnan siya ng pari at sumagot: "Hija, hindi ito kapalaluan kundi
imahinasyon!"
Sinasabing ang ugat ng kasalanan daw ay kapalaluan sapagkat ito ay nagdadala sa isang masahol na uri ng pagkabulag…  pagkabulag sa katotohanan
Kapag tayo ay bulag sa katotohanan ay akala nating tama ang ating
ginagawa at dahil dito ay nawawalan na tayo ng pagnanais na magsisi sa
ating mga kasalanan.  Mabubuti na tayong mga tao kaya’t di na natin
kailangan ang Diyos sa ating buhay!  Ang Ebanghelyo ngayong ika-apat na
Linggo ng Kuwaresma ay nag-aanyaya sa ating tingnan ang ating mga
sarili at baka may simtomas na tayo ng ganitong uri ng pagkabulag.
Baka katulad na rin tayo ng mga pariseo na hindi matanggap ang
kapangyarihan ni Jesus nang pagalingin niya ang bulag.  Ang ganitong
pag-uugali ay malaking sagabal sa isang tunay na pagbabalik-loob at
pagbabagong buhay.  May mga taong hindi nagkukumpisal sapagkat ang
katwiran nila ay "wala naman akong mabigat na kasalanang nagawa! Mabuti
naman ang akong tao! Walang bisyo! Sumusunod sa utos ng Diyos! Bakit pa
ako magkukumpisal?"  Ang pagkakaroon ng kababaang-loob na harapin ang ating mga pagkukulang ang  unang hakbang sa  isang tunay na pagbabago.   Nagbubulag-bulagan pa rin ba ako sa aking pagiging Kristiyano?  May pagkakataon pa tayo upang muling makakita.  Aminin
natin sa Diyos ang ating mga pagkakamali, ihingi natin ng tawad sa
Kanya at sabihin natin katulad ng bulag sa Ebanghelyo: "Sumasampalataya po ako, Panginoon!"